Saturday, November 14, 2020

Nanalong Miss Universe Japan 2020 2nd Runner Up, Mayroong Dugong Pinay!


Kilala ang mga Pinoy bilang mahihilig sa pageantry. Isa ang bansa sa may pinakamalaking bilang ng mga manonood o fans ng anumang pageant, mapa-local man o international.

Kaya naman, hindi nakaligtas sa mga Pinoy at pageant fanatic ang nanalong 2nd runner up sa ginanap na Miss Universe Japan 2020 kamakailan lang. Maliban kasi sa ganda ng beauty queen ay mayroon din itong dugong Pinoy na siyang ikinagalak ng marami.

Hinirang na 2nd runner up ng Miss Universe Japan 2020 ang Filipina-Japanese na si Yuki Sonoda. Ang ina ng beauty queen ay isang Pinay habang purong Hapon naman ang kanyang ama na nagmula sa Kagoshima, Japan.

Bagama’t nasa Japan, marunong at magaling magsalita sa tatlong magkakaibang linggawahe si Yuki. Kaya nitong magsalita sa Filipino, English, at Nihonggo. Para sa beauty queen, itnuturing niaya ng kanyang Pinay na ina bilang siyang kanyang ‘favorite woman in the whole wide universe’.

Maliban sa ganda nito na hinangaan ng marami, hindi rin magpapahuli ang angking talino na mayroon si Yuki. Hindi ito basta-basta sapagkat nakapagtapos lang naman ito sa law school. Ayon sa mga ulat, ang beauty queen ay nag-aral at nagtapos sa prestihiyosong Rikkyo University.

Kaya naman, dahil sa angking ganda at talinong ito ni Yuki ay hinangaan ito ng maraming mga Pilipino na agad niyang nakuha ang atensyon sa social media.


Bilang isang beauty queen, nakatuon ang adbokasiya ni Yuki sa women’s health awareness. Mayroong pinaghuhugutan dito ang half-Pinay dahil noong 2019, sa batang edad ay sumailalim ito sa ovarian cyst surgery.

“During that time, I realized that I could have prevented this by having an annual check-up. I’d like to use my platform as Miss Universe to tell everyone in the world how important it is to be healthy and use my language skills to be the voice of the people,” ani pa ni Yuki.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sumabak si Yuki sa isang pageant. Ilang beses na rin itong sumali para sa ibat-ibang korona kung saan, minsan ay nabigyan pa ito ng pagkakataon na lumaban sa isang international pageant.

Taong 2015 nang unang sumabak sa pageantry si Yuki sa pagsali nito sa Miss World Japan 2015. Matapos nito ay sumali ulit siya sa Miss Supranational Japan 2016 kung saan, nanalo itong first runner up.

Hindi dito tumigil ang beauty queen at sumali ulit sa Miss Asia Pacific Japan 2017 kung saan ay matagumpay niyang napanalunan ang korona. Dahil dito kaya lumaban ito sa international scene ng pageant at matagumpay na naging bahagi ng Top 10.

Ayon kay Yuki, minsan din daw nitong naisip na sumali sa Binibining Pilipinas ngunit, dahil sa ilang mga panuntunan ay hindi siya rito makasali. Ang BPCI ay tumatanggap lamang ng mga kandidatang may hawak ng Filipino citizenship at Philippine passport.

Ngunit, sa batas ng Japan ay isang citizenship lamang dapat mayroon si Yuki kaya hindi siya makasali sa prestihiyosong pageant sa Pinas.


Gayunpaman, pangarap umano ni Yuki na maging isang matagumpay na beauty queen sa future. Nais din daw nitong magtrabaho bilang isang propesyunal na international lawyer.

Source: virtualpinoy

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment