Wednesday, November 11, 2020

Php10K na Naipadala sa Maling Tao, Kusang Isinauli sa May-ari Nang Napadalhan


Umani ng mga papuri mula sa mga netizen ang isang taong ito na kusang nagsauli ng pera na nagkamaling ipadala sa kanya. Kusa nitong isinauli pabalik ang Php 10,000 na perang naipadala rito online.

Dahil sa panahon ngayon na mayroong pandemya, mas dumami na ang mga taong gumagamit ng mga online na transaction tulad ng pagbabayad ng bills, mga pinamili, at pagpapadala ng pera. Bagama’t mas madali na ang prosesong ito at naiiwasan pa ang pakikisalamuha sa mga tao, madalas ay mayroon ding nangyayaring error o pagkakamali lalo na kapag hindi nag-iingat.

Halimbawa nito ay ang aksidenteng pagpapadala ng pera sa ibang tao kapag hindi nag-iingat sa paglagay kung sino ang dapat na padadalhan nito. 

Ganitong-ganito ang nangyari sa netizen na si Sheryll Dijamco Abril kung saan, nasa Php 10,000 halaga lang naman ng pera ang kanyang aksidenteng naipadala online sa ibang tao. Dahil nga online at kahit mahirap mang aminin, hindi lahat ng tao ay may mabuting loob at napapakiusapan na ibalik muli kay Sheryll ang naturang pera.

Ngunit, malaking swerte ang naranasan ng netizen dahil napunta sa mabuting tao ang naturang pera na nagkamali siya ng pag-transfer at pagpapadala.

Kusa lang namang isinauli ng isang Ed Michael Monares ang perang ito ni Sheryll na aksidenteng naipadala sa kanya. Sa pagbabalik niya rito ng pera, mayroon pang naging mensahe si Ed para sa may-ari nito. Aniya,


“This is to return the erroneous 10k deposit. From Ed.”

Ayon kay Sheryll, bagama’t napasalamatan niya na ito para sa kabutihan at katapataan na ipinamalas ni Ed, minabuti niya pa rin niyang ibahagi sa social media ang nangyari. Nararapat lamang daw ito para ibahagi sa lahat na mayroon pa ring mabubunting tao sa mundo. Saad niya pa sa kanyang Facebook post,

“WORTH SHARING. Marami pa rin ang mga mabubuting tao sa mundo. Thank you so much, SIR ED MICHAEL MONARES, for sending back the mistakenly sent cash.  Di man po tayo magkakilala and I know nothing about you, but I thank God for you. YOU HAVE EARNED CREDITS TO HEAVEN. GOD BLESS YOU PO. 

“Kung sino man nakakakilala sa kanya, although I have already talked and thank him, still please send him my heartfelt gratitude and the GOOD deed worth sharing.”

Dahil dito kaya umani ng mga papauri sa socal media ang naturang Ed. Saludo dito ang mga netizen na humanga sa kanyang katapatan at kabutihan bilang isang tao.

Heto pa ang ilan sa ibinahaging komento tungkol dito ng mga netizen:

“God bless you, Sir. Dumami pa po sana lahi nyo.”

“Salute. Sana marami pa pong katulad niyo na honest at mabuti ang puso. May God bless you more… and ten folds po babalik ‘yung blessings dahil sa ginawa nyo po.”


“A gesture worthy to be noted and shared for it is indeed something to be emulated… I hope there comes a day when it becomes the actual ‘normal’. Given the state of the world now, it may not happen, but it's always nice to hope and have faith in humans still.”

Source: kickerdaily

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment