Sa isang panayam kamakailan lang kay Cassy Legaspi at sa kambal nito na si Mavy Legaspi, naitanong sa kanila kung ano ang ugnayan nila sa singer na si Darren Espanto, partikular na kay Cassy.
Mayroon kasing mga lumalabas na ulat kung saan, inuugnay si Cassy kay Darren. Mas umingay pa ang tungkol dito dahil sa pagtawag daw ni Mavy kay Darren ng ‘brother-in-law’.
Sagot naman ng dalawa, malapit na magkaibigan lamang daw sila ni Darren pati ng singer din na si Kyle Echarii. Pabiro pa ngang hirit ng mga ito, “Darren, ano ba talaga?”
Sagot naman ni Cassy tungkol sa pa-uugnay sa kanya kay Darren, “We're all friends. We're all enjoying each other's company… I think naging family iyong bond.”
Para naman kay Mavy, ipinaliwanag nito kung bakit ‘brother-in-law’ ang tawag niya kay Darren. Ani nito,
“Ako kasi, Darren to me, brother ko na 'yan e. As in we're really that close na, most especially si Kyle Echarri din. Brotherhood talaga 'yan, like, in the industry, we're very, very close. Those kinds of mga terms, it's very, like, family, friendship-oriented na. It's just teasing lang, basically.”
Nilinaw din ng kambal at magkapatid na pareho silang single ngayon. Kaya naman, ang lahat ng mga inuugnay sa kanila ay hindi totoo, lalo na si Darren na kailanman ay hindi umano naging isyu sa kanila. Dagdag pa ng mga ito, alam nina Cassy at Mavy kung ano ang kanilang prayoridad.
Ngunit, kung sakaling magkaroon na ng manliligaw si Cassy ay kailangan daw muna nitong dumaan sa kambal at sa kanilang tatay. Sina Mavy at Cassy ay anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.
“Siyempre, pag may manliligaw, I'm very, 'You have to pass through me first.',” ani pa ni Mavy tungkol dito.
Sa naturang panayam, ibinahagi din ng dalawa kung paano sila naging malapit na magkaibigan nina Darren at Kyle. Sina Darren at Kyle ay unang nakilala nang sumali ang mga ito sa ‘The Voice Kids Philippines’ sa ABS-CBN.
Una raw nagkasama ang mga ito sa isang guesting sa nasabing network kung saan naging panauhin ang apat. Sa ngayon ay parehong 19 taong gulang na sina Mavy, Cassy, at Darren habang 17 taong gulang naman si Kyle.
“With Darren and Kyle, from a variety show... When they just both came out from The Voice, we already met there… We met at an early age—12 or 13 years old,” paliwanag na ni Mavy.
Sa kanilang pagkakaibigan, hindi naman umano naging hadlang na magkaiba sila ng pinanggalingang TV network. Sa katunayan, sa kabila nito ay mas tumibay pa umano ang kanilang pagkakaibigan sa pagdaan ng mga taon. Saad pa ni Mavy,
“We always have this conversation. We're all in the same industry. But, siyempre, we're trying to attack the industry at a young age. I guess, all we have in our minds is to have our careers first… and friends.
“We have genuine support for one another, no matter which network you're from. As long as it's your own work, support lang.”
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment