Saturday, November 21, 2020

Scarlet Snow, Nasugatan sa Kanilang Amanpulo Trip Kasama Sina Sarah at Mateo Guidicelli


Marami ang natuwa sa bagong vlog na ibinahagi ng celebrity dermatologist na si Dra. Vicki Belo. Sa naturang vlog, ibinahagi nito ang kanilang Amanpulo Trip kasama ang asawang si Doc Hayden Kho at anak na si Scarlet Snow. Ngunit, maliban dito ay kasama din nila ang noon ay bagong kasal na sina Mateo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Bagama’t nito lamang ika-19 ng Nobyembre ibinahagi ni Dra. Vicki ang naturang vlog, ang kanilang Amanpulo trip ay nangyari noon pang buwan ng Hulyo. Ibig sabihin, bagong kasal pa lamang noon ang Popstar Royalty at si Mateo. Sa vlog ay makikita rin na ipinagdiwang doon ni Sarah ang kanyang kaarawan.

“Our Amanpulo escapade this year was made more special because honeymooners during that time Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli  joined us for some sun and really good food especially that it’s Sarah’s first birthday celebration as Mrs. Guidicelli! Enjoy watching the video as much as we enjoyed doing this sweet adventure!” saad pa nga ni Dra. Vicki.

Masaya at nakakakilig ang vlog na ito kung saan, makikita hindi lamang ang cute na cute na si Scarlet kundi pati na rin ang mga moments ng mga mag-asawa sa naturang bakasyon. Makikita sa vlog ang ganda ng isla na mayroong napakaputing buhangin at napakalinaw na tubig.

Maliban sa pagtanaw sa magandang kapaligiran ng isla ay nagtanim din ang mga ito ng tig-iisang puno. Mayroong sariling puno na itinanim sina Dra. Vickie, Doc. Hayden, at Scarlet. Ngunit, iisang puno lamang ang itinanim nina Sarah at Mateo.

“Only one tree for me and Sarah because it’s forever,” nakakakilig na paliwanag pa ni Mateo tungkol dito.


Ang buong vlog ay napuno din ng mga cute moments ni Scarlet na enjoy na enjoy sa isa lalo na sa pagpapakain sa mga isda at pagkuha ng larawan sa mga hayop. Ngunit, nakunan din sa vlog ang nangyaring pag-iyak ni Scarlet dahil nasugatan ito habang nasa isla.

Dito, makikitang nagkaroon ng sugat si Scarlet sa kanyang tuhod na talaga namang nagpaiyak dito ng todo. Ayon kay Dra. Vicki, nakuha daw ng anak ang sugat dahil hindi raw kasi ito nakinig sa kanya. Saad pa nito,

“Scarlet did not listen to instructions… But, she’s so brave! Right, Scarlet?”

Gayunpaman, pinatahan naman ito ni Dra. Vicki at ni Doc Hayden na agad niyakap ang anak para matigil sa pag-iyak. Matapos nito ay makikitang balik na agad ang sigla ni Scarlet na nagsimula na muling ipakita ang kanyang kakulitan.

Sa ngayon, ang vlog na ito ni Dra. Vicki ay umani na ng halos 350,000 views sa loob lamang ng dalawang araw. Umani na din ito ng daan-daang komento mula sa mga netizens na natuwa sa vlog nito.

Heto nga ang ilan sa mga iniwang komento sa vlog ni Dra. Vicki:


“We didn't expect this since we already had the photos but thanks Doc.”

“Yung si Dra. Vicky is trying to pacify Scarlet by saying that she is brave but hindi talaga natiis ni Daddy. Thank you for this video po. So happy to see AshMatt.”


“The closeness between G Couples and Miss Vicky Belo says a lot about Madam V's character.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment