Thursday, November 26, 2020

Chito Miranda, Kean Cipriano, Nakikiramay sa Pagpanaw ni Slapshock Frontman Jamir Garcia


Ginulat ng biglaang pagpanaw ni Slapshock frontman Jamir Garcia hindi lamang ang kanyang mga tagasuporta kundi pati na rin ang kanyang mga kapwa musikero.

Sa pagpanaw ni Garcia nito lamang Huwebes, ika-26 ng Nobyembre, isang malungkot na araw para sa industriya ng musika ang ipinagluluksa bilang maituturing na isang OPM icon si Garcia. Ipinagluluksa ang pagpanaw ni Garcia na siyang frontman ng Filipino heavy metal band na Slapshock sa loob ng mahigit sa 20 taon.

Kaya naman, agad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang kapwa din bokalista ng mga banda na sina Chito Miranda, Kean Cipriano, Yael Yuzon, at iba pa.

Para kay Miranda, hindi man nito trip si Garcia noong una ay nakapalagayan niya na rin ito ng loob dahil sa kabutihan nito bilang isang tao at dahil sa bilib niya sa banda nito. Pagbabahagi niya pa nga tungkol dito,

“Dati, hindi kita trip. Hindi ko din trip yung banda mo, and I always made sure na maging snob at mayabang sayo… Ganun ako sayo simply because I was intimidated by you, your band, and your crowd.

“Pero kahit anong gawin kong angas sayo, you would still always be consistently kind and soft spoken. Hanggang wala nalang talaga akong magawa kundi maging mabait din sayo kasi wa-epek yung mga pa-angas-angas ko sayo.

“Wala din choice kundi mabilib sa banda ninyo dahil sobrang professional at hardworking nyo lahat. Malungkot ako na nawala ka agad, pero masaya ako na nakilala kita. Rakenrol, parekoy.”


Gaya ng marami, hindi rin makapaniwala si Cipriano na pumanaw na ang isa sa itinuturing nito na pinaka-humble na musikero sa industriya na nagbigay sa kanya ng mga makabuluhang payo. Saad naman nito,

“Napakalungkot at napakabigat ng balita na bumungad sakin ngayong araw na to. Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na sana fake news.. hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Isa Jamir sa mga pinaka humble na taong nakikala ko sa music industry.

“Napakataas ng respeto ko sa taong to. Hindi lng dahil magaling syang musikero, pero dahil pinakitaan din nya ako ng respeto na hindi ko basta basta natatanggap sa lahat ng musikero lalo na nung panahon na nagsisimula ako… Nakakagulat tong balita na to.Nakikiramay ako sa buong pamilya.”

Sa Instagram, ibinahagi naman ni Yuzon ang isang pangyayari na minsan nilang pinagsamahan ni Garcia. Dito, maliban sa pagpapaabot ng kanyang pakikiramay sa pagpanaw ng kapwa musikero ay nagbigay din ito ng mensahe tungkol sa pag-aalaga sa mga tao sa paligid natin.


Maliban sa mga musikerong ito ay nagpaabot din ng pakikiramay ang kilalang music channel na MYX para kay Garcia. Sa kanilang mensahe, kinilala nila ang husay at galing ni Garcia sa larangan ng musika. Saad nito,


“A fierce performer on stage, Jamir was one of the nicest and humblest rockstars we’ve had the pleasure of working with. He will truly be missed in the OPM band scene.”

Ayon sa mga ulat, Huwebes ng umaga ay natagpuang wala nang buhay si Garcia, 42, sa tahanan nito sa Barangay Sangandaan, Quezon City 

Source: facebookfacebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment