Thursday, November 26, 2020

Claudine Barretto, Isinugod sa Ospital!


Nito lamang Linggo, ika-22 ng Nobyembre, nanatili sa ospital ang aktres na si Claudine Barretto dahil sa isang isinagawang operasyon sa kanyang kanang kamay. Bago ang operasyon ay ibinahagi ito ng aktres sa Instagram.

“Hello. Good morning… It’s now 5:50. They’re prepping me up already para sa operation ko sa right hand ko. So please pray for me na everything will be well… that everything goes well. And sa lahat ng nagpe-pray para sa akin, maraming-maraming salamat po. I’m going to be okay and I will keep u posted, po,” ani pa nga rito ni Claudine.

Gaya ng kanyang ipinangako, maya’t maya ang ginawang pag-update ng aktres sa kalagayan nito bago ang ginawang operasyon sa kanya. Dito, naibahagi din ni Claudine na biglaan ang gagawing operasyon sa kanya at hindi niya inaasahan na isusugod siya sa ospital.

Na-confine at isinagawa ang operasyon sa kanang kamay ni Claudine sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig. Biro pa nga ni Claudine habang dinadala sa operating room ng ospital, mukhang mayroon na raw siyang ‘stocks’ sa nasabing ospital dahil sa madalas niyang pagsailalim sa operasyon doon.

“Sorry, biglaan lang ‘to. I didn’t even know that I was gonna be rushed to the hospital. But since it’s an emergency, they really have to operate on my hand,” paliwanag pa nga ni Claudine.


Ayon kay Claudine, matapos i-check ng doktor ang kanyang kamay ay kinailangan daw na isailalim ito sa operasyon kaya ito biglaan. Pagbabahagi pa ng aktres, nagkaprobema daw ito nung naospital siya noong nakaraang taon habang ibinuburol ang kanyang namayapang ama.

Kinakabahan man, nandyan naman umano ang kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto para pagaanin ang kanyang loob. Saad pa nga nito sa kanyang mga Instagram update bago ang operasyon,

“Sorry, I really look terrible. Ang sama ng itsura ko, mukhang may sakit talaga ako…

“If you remember last year, na-ospital ako during my dad’s wake. And ‘yung right hand ko, medyo nagkaproblema… Chineck ng doktor, I have to have an emergency procedure or operation so I’m asking everybody to please pray for me.

“I’m really scared. Pero, my ate Gretchen… eversince this morning, she was making me laugh and laugh and laugh. So, atleast naging maganda ‘yung araw ko.”

Kung matatandaan, naibalita na nagkasakitan noon si Claudine at ang isa niya pang ate na si Marjorie Barretto sa burol ng kanilang tatay na si Miguel Barretto. Ayon sa mga ulat, ito umano ang dahilan ng sinasabi ni Caludine na pagkaka-ospital nito noon.

Sa kanyang mga Instagram update, humihingi ng dasal si Claudine para sa maayos at matagumpay na operasyon sa kanyang kanang kamay. Bagama’t malakas naman umano siya at alam niyang kakayanin niya ang operasyon, gusto niya lamang na i-update ang kanyang mga tagasuporta sa kanyang kondisyon.


Base naman sa pinakahuli niyang Instagram post, mukhang maayos na naisagawa ang operasyon sa aktres at nagpapagaling na ngayon ito sa ospital. Isang kaibigan nito ang dumalaw kay Claudine na siya namang kanyang ipinagpasalamat.

Source: netizenexpress


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment