Thursday, November 26, 2020

Mystica, Inaakusahan si Kiray na Sinisiraan daw Nito si Buboy Villar


Matapos diretsahang sabihin na hindi raw nito gusto ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis ay mayroon na naman ulit pahayag si Mystica laban dito.

Dito, ayon kay Mystica ay sinisiraan umano ni Kiray si Buboy Villar na kasama nito sa kinukunan nila ngayong teleserye kung saan, kasama sana nila si Mystica ngunit umalis ito sa lock-in shooting dahil sa ilang mga kadahilanang hindi raw nito nagustuhan.

Ayon kay Mystica, sinasabi umano ni Kiray na ‘pangit’, ‘dugyot’, at ‘taong grasa’ si Villar. Gayunpaman, sinabi naman umano ng komedyante na magkaibigan sila ni Buboy at alam nito ang kanyang sinasabi.

Ngunit, para kay Mystica ay hindi umano nito nagustuhan ang dating ng sinabi ni Kiray dahil baka raw masaktan si Buboy. Pagbabahagi pa ni Mystica tungkol dito,

“Kilala si Kiray, natural, but as a person, personally, hindi ko nakakasama ‘yan. Ito na nga lang mismo, nung pinuntahan siya ng crew o mismong staff para kunin kung ano ‘yung isusuot niya.

“Tapos, all of a sudden, bigla siyang nakapagbitaw na ‘Ay, alam mo itong si Buboy, ang panget-panget. Kahit artista ‘yan, naku, talagang hindi pa rin siya magmumukhang artista dahil mukhang ano pa rin siya, taong grasa pa rin siya. Ang itim-itim at talagang ang dugyot-dugyot niyang tingnan!’

“Sabi ko, 'Kiray, bakit ka nagsasalita? Sige, isusumbong kita.' Ang feeling niya kasi, kapag nagsasalita siya nang ganoon, nakakatawa siya. Ang feeling niya, mapapasaya niya kung sino yung nakikinig. Ang sa akin, it’s not right.


“Sinabihan ko siya, 'Huy, huwag mo naman sabihin ang ganyan. Paano pala kung narinig ‘yan o nalaman na ganyan pala ang sinasabi mo, ikinukuwento mo?' Ang sabi niya, ‘Ay, hindi. Magkaibigan kami ni Buboy. Alam na niya ‘yon.'

“Well, granted kaibigan mo ‘yan at alam na niya na ganoon nga ang sinasabi-sabi, pero masasaktan pa rin yung tao, lalong-lalo na kung totoo na siya ay maitim lang, mukhang grasa lang, mukhang pangit lang, hindi siya mukhang artista, mga ganoon.' It’s still something na nakakasakit, di ba? Hindi puwede yung ganoon…”

Ilang sandali lamang matapos lumabas ang mga pahayag na ito ni Mystica, mukhang nakarating na ito kay Kiray dahil naging sunod-sunod ang ibinahagi nitong Instagram stories kung saan, madalas ay kasama nito ni Buboy.

Dito, hindi man direkta ay mukhang patungkol sa mga pahayag ni Mystica sa kanya ang pabirong tinutukoy nina Kiray at Buboy sa naturang mga IG stories. Dito ay makikitang nagkakatuwaan sina Kiray at Buboy habang paulit-ulit nitong binibiro ang huli ng mga panlalait daw na salitang isinaad niya rito kay Mystica.

Ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Mystica at Kiray ay dahil sa hindi raw nagustuhan ni Mystica na kahati o kasama nito sa iisang kwarto si Kiray sa lock-in taping ng upcoming GMA teleserye na ‘Owe My Love’.

Diretsahan nitong isinaad na hindi niya raw gusto ang komedyante.

Maliban dito ay naramdaman din daw ni Mystica na tine-take for granted umano siya ng mga staff ng teleserye matapos na makalimutan daw siyang dalhan ng mga ito ng almusal. 


Ngunit, ang lahat ng sinasabi na ito ni Mystica tungkol sa mga staff ng teleserye ay mahigpit na pinabulaanan ng pamunuan nito.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment