Tuesday, November 24, 2020

Mystica, Umalis sa Lock-in Taping ng ‘Owe My Love’ Dahil Ayaw Makasama sa Kwarto si Kiray!


Mabibigat na mga pahaayg ang iniwan ni Mystica bilang rason kung bakit daw ito umalis sa lock-in taping ng comedy-drama program na ‘Owe My Love’ ng GMA. Kabilang na sa kanyang mga rason ay dahil ayaw nitong makasama sa iisang kwarto ang aktres na si Kiray Celis.

Bilang pagsunod sa protocol ng IATF, kinailangang sumailalim sa swab testing at gawing lock-in ang taping ng mga programa bilang pag-iingat sa COVID-19. Hangga’t hindi natatapos ang taping ay mananatili lamang sa iisang lugar ang mga cast at staff ng isang programa.

Sa kaso ng ‘Owe My Love’, ang kanilang lock-in taping ay ginawa sa isang resort sa Bocaue, Bulacan. Maliban sa mga cast at staff ay bawal ang bisita sa set ng programa at ang paglabas ng mga ito.

Nito lamang ika-23 ng Nobyembre, umalis si Mystica mula sa lock-in taping dahil sa mga kadahilanang hindi nito nagustuhan na mayroon itong kasama sa kwarto at ‘taken for granted’ umano siya ng mga staff.

Ayon kay Mystica, unang-una pa lamang daw ay mayroon na itong ‘concern’ sa programa dahil hindi raw siya nasabihan na lock-in taping pala ang mangyayari. Ani nito, akala niya raw ay pang-isang araw lamang ang taping at hindi niya alam na kinailangan nya palang manatili roon.

Isa pang rason ay dahil sa kanyang kasama sa kwarto na si Kiray. Ayaw niya raw na makasama sa iisang kwarto ang aktres dahil daw sa gusto niya na magkaroon ng ‘privacy’ at magkaiba raw sila ng lifestyle ni Kiray.


Dagdag pa ni Mystica, napansin din daw nito na ang ibang mga artista ay mayroong tig-iisang kwarto habang ito naman ay nakikihati ng kwarto kay Kiray. Saad pa nito tungol dito,

“Sabi ko, 'I don’t like Kiray.' Pero ang privacy ko talaga, importante sa buong buhay ko ang privacy ko… 

“Sa buong buhay ko, never ako nagkaroon ng roommate. Kahit sa bahay ko, sa mansion ko, kahit maraming tao, may sarili akong kuwarto. Ito pa kaya, Kiray na hindi ko alam kung ano ang category niya? Iba ang schedule ko, iba ang schedule niya.

“So ngayon, ang every kilos ko, napapabalikwas siya. In every apak ako, naaano siya. So, sabi ko, 'Okay, we have to be very considerate this time.' So, ako na iyung nag-give way, lumabas ako, bumaba ako para makatulog siya. Pero iniisip ko, do I have to suffer para makatulog siya?”

Pangatlong rason naman ni Mystica kung bakit tuluyan na itong umalis sa naturang taping ay matapos na makalimutan daw siyang hatiran ng breakfast ng mga staff noong ika-22 ng Nobyembre. Naramdaman daw nito na tina-take for granted daw siya ng mga staff ng programa.

Kaya naman, sa sumunod na araw ay umalis sa resort si Mystica. Habang paalis, kumuha pa ito ng video na gagamitin niya raw na ebidensya para sa kanyang mga reklamo laban sa pamunuan ng programa. Maghahain umano ito ng kaso laban sa production team ng ‘Owe My Love’.


Ang ginawang ito ni Mystica ay hindi naman ikinatuwa ng publiko na hindi nagustuhan ang asal daw nito matapos na mabigyan ng trabaho. Hindi ito ang unang beses na nasangkot sa kontrobersiya si Mystica dahil sa umano’y pag-uugali nito.

Source: artistaph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment