Friday, November 27, 2020

John Lloyd, Ibinunyag ang Dahilan Kung Bakit Ito Nagpahinga Mula sa Showbiz


Sa isang pambihirang pagkakataon ay lumabas ang aktor na si John Lloyd Cruz bilang panauhin sa online show ni Boy Abunda na ‘The Best Talk’ na ipinalabas nitong Sabado, ika-21 ng Nobyembre.

Dito, sinagot ng aktor ang ilan sa mga katanungang matagal nang gustong masagot ng kanyang mga tagahanga at publiko. Inihayag dito ng aktor kung bakit kinailangan nitong iwan pansamantala ang industriya ng showbiz.

“Nakakaubos iyong dine-demand ng ganitong trabaho,” saad nito.

“And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo — wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time. Kumbaga nakakahiya na lang din… 

“Parang kailangan lang huminto at magnilay-nilay. Kailangang medyo dumistansiya... Hindi ko alam. Di ba para malagyan mo ulit, kailangan mo munang ubusin,” dagdag pahayag pa ni John Lloyd.


Para sa 37 taong gulang na aktor, hindi naman umano sa napagod ito sa trabaho na mayroon siya. Paliwanag nito,

“Parang hindi naman siya istoryang napagod. Siguro at one point you realize na sobrang ikli pala ng buhay so gusto mo lang, somehow, mabigyan kahit papaano ng halaga at atensyon ‘yung mga bagay na hindi mo pwede ikaila, hindi mo siya ma-deny. Kailangan mo siyang gawin, otherwise ayaw mong tumanda na nagtataka kung paano kung sinubukan mo…

“Parang nabigyan ka ng opportunity to experience knowledge or wisdom, parang reversible na siya. Parang andu’n na siya. ‘Pag alam mong ito ‘yung dapat mong gawing tama, parang lolokohin mo na lang sarili mo kung ide-deny mo ang sarili mo na magawa ‘yung gusto mo.”

Kung matatandaan, taong 2017 nang biglang mamahinga ang aktor mula sa showbiz. Ikinabigla ng marami ang desisyong ito ni John Lloyd na hindi inihayag kung kailan ito muling babalik sa pagharap sa kamera.

“Tingin ko marami pa ring sinsabi ‘yung mga lumilipas na sandali ngayon. Mas masarap kung mag masid na lang, makinig, at ‘wag na lang magsalita pa,” makahulugan pang ani ni John Lloyd tungkol sa kanyang naging desisyon.

Kasabay nito na pansamantalang namahinga sa showbiz ang dating karelasyon at aktres na si Ellen Adarna. Sa naturang panahon, nagkaroon ng isang anak ang mga ito--- si baby Elias. 

Nang tanungin ito ni tito Boy kung masaya ba ngayon ang aktor, binanggit ni John Lloyd ang kanyang anak na inilarawan nito bilang kanyang ‘little savior’. Ani pa nga ng aktor tungkol dito,

“Wala na yatang mas liligaya pa pagka mayroon kang maliit na anak, na two years old na ang kulit. Wala nang kasing saya. Ang lupet. My little savior.”

Sa ngayon, bali-balita ang nakatakdang pagbabalik ni John Lloyd sa paggawa ng mga proyekto. Nakatakdang gumanap ang aktor sa pelikulang ‘Servando Magdamag’ kung saan, magiging direktor nito si Lav Diaz. Hango naman ang naturang pelikula sa isang award-winning short story na isinulat ni Ricky Lee.


Maliban dito ay inaabangan na rin ng marami ang umano’y muling tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo sa kanilang reunion movie na inihayag ng Star Cinema.

Source: Philstar

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment