Friday, November 27, 2020

Mga Taong Walang Sapat na Tulog, Mas Mahirap Daw Makahanap ng Karelasyon Ayon sa Isang Pag-aaral


Isa ka ba sa mga ‘single’ at ‘available’ na mga tao sa lipunan ngunit, hindi pa rin nagkakaroon ng karelasyon o potensyal man lang na karelasyon? Ang nakasaad sa pag-aaral na ito ng ‘Psychology Today’ ang dahilan marahil kaya hindi ka pa nakakahanap ng nobyo o nobya.

Sa inilabas na pag-aaral kamakailan lang ng sikat na magazine na ito sa Amerika, ang kakulangan daw sa tulog ng isang tao ay mayroong malaking epekto sa tyansa ng pagkakaroon nito ng karelasyon.

Ayon sa pag-aaral, ang isang taong walang sapat na tulog ay maaari raw mahirapan na makahanap ng karelasyon. Ito ay dahil ang pagpapahinga o pagkakaroon ng sapat na tulog ay mayroong malaking epekto sa maayos na kalusugan nito physically, emotionally, at mentally.

Ayon sa mga sociologist sa pag-aaral, isa sa mga rason kung bakit mahirap makahanap ng karelasyon ang taong walang tulog ay dahil mas atraktibo para sa publiko ang mga taong mayroong sapat na tulog. Ang rason na ito ay sinuportahan pa ng isang pag-aaral sa Sweden na mayroon ding parehong resulta: hindi kaakit-akit ang mga taong walang sapat na tulog.

“Poor sleep habits might be hurting your chances of catching the eye of your desired partner by lowering your perceived physical attractiveness,” saad pa rito. 


Isa pang rason na isinaad ay dahil naaapektuhan umano ng hindi sapat na tulog ang paraan ng pakikipaghalubilo ng isang tao, gaya ng pakikipagkilala sa mga taong kanilang nagugustuhan. Saad pa nga tungkol dito ng magazine,

“Sleep deprivation may hurt your game.  Flirting often relies on wit, a good read of a situation, well-timed humor, and savvy appreciation of others' humor.  If your sleep is suffering, research suggests that your ability to appreciate humor is likely suffering too… This means that a good night's sleep may facilitate more successful flirting.”

Hindi lamang ang posibilidad ng pagkakaroon ng karelasyon ang naapektuhan ng walang tulog dahil, maging ang mga taong nasa isang relasyon ay malaki din ang tyansa na hiwalayan ng kanilang nobyo o nobya dahil pa rin sa kawalan ng sapat na tulog.

Ang hindi rin daw kasi pagkakaroon ng sapat na tulog ay nagpapalaki ng posibilidad na magkaroon ng hidwaan at pagtatalo ang dalawang tao sa isang relasyon. Dahil sa kawalan ng tulog ay nahihirapan ang mga ito na initindihin ang isa’t-isa at humanap ng solusyon.

Ang resulta, mawawalan ng saysay ang inyong relasyon dahil malaki ang posibilidad na mauwi kayo sa hiwalayan dahil nga sa madalas na pag-aaway bunsod ng kawalan ng tulog ng isa o dalawang tao sa relasyon.

Mas nagiging agresibo din umano ang emosyon ng mga ganitong tao na mas nagpapalala pa sa pag-aaway kaya naman, tuluyang natatapos ang isang relasyon. 

“Evidence gathered through daily diaries and laboratory observations showed that participants' self-reported poorer sleep predicted more frequent couple conflict, less understanding of partners' emotions, and poorer conflict resolution,” ani pa sa pag-aaral.


Dahil sa pag-aaral na ito kaya iminumungkahi ang pagkakaroon ng sapat na pahinga o tulog hindi lamang upang magkaroon ng malaking posibilidad na makahanap ng nobyo kundi pati na rin sa pagkakaroon ng mga maayos na kalusugan.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment