Hiwalay na si The Voice Kids Season 2 grand champion Elha Nympha sa boyfriend nito at kapwa rin singer na s Brian Gazmen.
Ang hiwalayang ito ng dalawa ay kinumpirma mismo ni Gazmen sa isa sa mga TikTok video na ibinahagi nito. Saad pa rito ni Gazmen,
“So a lot of people are asking, 'break na ba kayo?' I just have one answer. It is sad to say po na break na po kami ni Elha Nympha…”
Dagdag ani pa nito, masyado raw mahaba ang storya o dahilan ng pagbebreak nila at hindi raw ito kakayanin sa isang TikTok video lamang.
“Masyado pong mahaba 'yung istorya ng pag-break namin. Hindi po kakayanin ng isang TikTok video pero 'yun po ang totoo,” ani pa ulit ni Gazmen.
Ilang sandali lamang matapos ibahagi ni Gazmen ang naturang video, mukhang patungkol sa kanya ang ibinahagi namang Instagram story ni Nympha. Hindi man nito direktang tinukoy, marami ang nagsasabi na si Gazmen ang pinapatamaan dito ni Nympha.
“Ay sad ka pala hahahah. Wag po tayong pa victim. Pwede ako magsabi ng totoo. Still using me pa rin? May pahabol. Dami likes and shares. Na ol na lang…,” ani pa ng tanyag na singer.
Pagdidiin pa nga nito sa kanyang IG story, “The audacity.”
Sinundan pa ito ni Nympha ng isa pang IG story kung saan, ani nito ay okay lang umano siya. Ani niya pa rito,
“Don’t worry guys, Elha Nympha is okay, gusto ko lang malaman niyo side ko, pero okay na guys. Love y’all.”
Kung matatandaan, ilang buwan lamang ang nakalipas nang inihayag ng mga ito sa publiko ang kanilang relasyon. Kwento pa minsan ni Nympha, nagkakilala umano sila ni Gazmen sa programang ‘Magandang Buhay’. Mula dito kaya nabuo ang kanilang relasyon.
Dagdag pa dati ni Nympha, si Gazmen umano ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nagsikap na mag-diet. Noong nakaraang mga buwan din nang ginulat ni Nympha ang publiko dahil sa laki ng pagbabago sa katawan at timbang nito.
“Siya po ang isa sa mga dahilan kung bakit ko po binuild up 'yung sarili ko, bakit po ako nag-diet, bakit din po ako naging confident sa sarili ko ngayon,” pahayag niya pa rati.
Buwan ng Agosto namang nang inanunsyo ni Gazmen ang relasyon sa 16 taong gulang na singer habang nito lamang Oktubre nang ipinagdiwang nila ang kanilang 7th monthsary.
Sa isang Instagram post, minsan pa ngang saad ni Gazmen dati kay Nympha,
“Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend. I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person,
“You are amazing, baby. You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby. I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment