Tuesday, December 1, 2020

Sunshine Cruz, Pinayohan ni Lolit Solis sa Bagong Isyu kay Cesar Montano: “My ex-husband is none of my business.”

Diretsahan na sinagot ng aktres na si Sunshine Cruz ang muli na namang pag-uugnay sa kanya sa dating asawa na si Cesar Montano nang maging usap-usapan na naman ito kamakailan lang matapos na mabunyag ang anak nito sa dating beauty queen na si Sandra Seifert.

Sa ibinahaging Instagram post ng beteranang kolumnista na si Lolit Solis, nagbahagi ito ng pahayag sa umano’y walang katapusang isyu sa pagitan nina Sunshine at Cesar. Ayon kay Lolit, madalas umano ay mayroong intriga sa dalawa kahit na hiwalay na raw ang mga ito.

Saad pa rito ni Lolit,

“Nagtataka ako Salve bakit parang walang katapusan iyon 'gulo' between Cesar Montano and Sunshine Cruz. Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them. 

“Sana naman matapos na , lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing meron lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila. Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa. 

“Hindi matigil tigil, para bang umaandar bawat araw , walang katapusan.Kanya kanya na sila, kaya hintuan na ang issue. Dapat wala na silang pakialam sa isa't isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words. Peace.”

Kaugnay nito, hindi nagdalawang isip si Sunshine na sagutin ang beteranang kolumnista tungkol sa paratang nito sa madalas daw niyang pagkakaugnay pa rin kay Cesar.

Dito, nilinaw ni Sunshine na wala naman itong inilabas na pahayag o sinabi gaya ng iginiit ni Lolit. Dagdag pa ng aktres, wala na raw siyang kinalaman sa anumang kakasangkutan ng dating asawa at mas gugustuhin niya na ituon na lamang ang atensyon sa kanyang trabaho at mga anak.

“Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word. My ex husband is none of my business. Annulled na po kami. I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho,” direktang ani pa rito ni Sunshine. 

Taong 2014 nang maghain si Sunshine ng annulment sa kasal nila ng dating asawang si Cesar. Taong 2018 naman nang tuluyan nang ma-annul ang kasal ng dalawa sa bisa ng desisyon ng Quezon City Regional Trial Court. 

Mayroon namang tatlong anak na babae sina Sunshine. Ito ay sina Angelina, Samantha, at Chesca. Sa kabila ng kanilang hiwalayan, malaya pa rin umanong nakakasama ng tatlo si Cesar kahit na nakatira ang mga ito sa poder ni Sunshine.

Samantala, kamakailan lang ay umingay ulit ang pangalan ni Cesar nang makumpirma na nagkaanak nga umano ito sa dating Miss Earth na si Sandra. Ito ay matapos na magbahagi ng larawan ang beauty queen sa Instagram kung saan, makikita si Cesar kasama ang kanilang limang taong gulang na anak, si Corinth Ian.

Hindi man direktang kinumpirma nina Sandra at Cesar ang tungkol sa kanilang anak ay malinaw na umanong kumpirmasyon at mensahe ang ibinahaging larawan ni Sandra.

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment