Sunday, November 22, 2020

Lola ni Jake Zyrus, Dinala sa Clinic Dahil sa Pagkahilo Matapos Humingi ng Tulong kay Tulfo

Kamakailan lang, kumalat sa social media ang video ng lola ni Jake Zyrus, o kilala dati bilang si Charice Pempengco, habang nananawagan at humihingi ng tulong sa publiko lalo na sa mga personalidad na sina Raffy Tulfo at Jessica Soho.

Dito, emosyonal si Tess Pineda, 74 taong gulang, habang inilalahad ang kanyang mga pangangailangan matapos daw itong lumayas sa poder ng kanyang anak na si Racquel Pempengco, ang nanay ni Jake, dahil inaapi raw at pinagpapasapasahan na lamang siya ng kanyang mga anak. Habang umiiyak, mensahe pa nga rito ni lola Tess para sa apo, 

“Charice, bakit mo ako ginanito anak? ‘Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo. Pero ang lola mo, kahit piso hindi mo naaalala.”

Matapos ang paglabas ng video niyang ito na humihingi ng tulong, isa pang video nito ang muling kumalat kung saan, matapos daw nitong manawagan ng tulong ay isinugod si lola Tess sa clinic dahil nakaramdam ito ng pagkahilo.

Ayon sa naturang video, nahihilo at nasusuko daw si lola Tess kay nila ito dinala sa malapit na clinic. Pahayag pa ng ni lola Tess, maliban sa pagkahilo ay mataas din daw ang BP niya.

“Kakagaling lang po namin sa clinic kasi kanina, habang kausap po namin si Nanay Tess ay nahihilo po siya at sabi niya po ay nasusuka. Kaya po, ginawa po namin, may malapit po kasi na clinic dito sa may amin, dinala po namin siya doon,” pagbabahagi pa nga ng kumukuha sa video.

Nang tanungin naman si lola Tess kung ano raw ang sinabi dito ng doktor kaya ito nakaramdam ng hilo, maaaring dahil umano ito sa kanyang mata. Kung matatandaan, minsan ay naiulat na naapektuhan ang mata ng lola ni Jake matapos nitong dumanas ng mild stroke.

Sa nasabing video, mayroon ding naibahagi si lola Tess tungkol sa pinagdaanan daw nito dati kung saan, nahulog daw siya mula sa 3rd floor pababa noong nakatira pa ito sa anak na si Racquel. Ngunit, hindi man lang umano siya dinamayan nito at sinabing umaarte lamang daw kasi siya.

Kaya naman, wala raw itong nagawa kundi indahin ang sakit ng kanyang tuhod. Hindi niya na rin daw ito sinabi sa kanila. Pagkukwento pa nito,

“Maaari daw sa mata. Pero may problema ako anak, noon kasing na kay Raquel ako, nahulog ako sa hagdanan. 

“Mula 3rd floor hanggang pababa, hindi ako dinamayan. Eh sabi umaarte lang daw ako. Yun bang dalawang bilog sa tuhod ko… hindi ko sinasabi sa kanila. Nahihilo ako tapos nasusuka ako.”

Dagdag pa rito ni lola Tess, nagpapasalamat daw siya dahil mayroon siyang nakitang mga tao na nagmamalasakit sa kanya. Sa video, makikita na binabantayan at inaalalayan si lola Tess dahil medyo nahihirapan na rin itong maglakad. Ayon naman sa kumuha ng video, medyo umayos naman daw ang kondisyon nito.

Dahil naman sa naunang video kung saan nanawagan si lola Tess, mayroong iilan na nagpadala rito ng tulong. Kaya naman, saad nito,

“Salamat anak nagtiwala ka sakin, hindi kita tunay na anak pero hindi ka nagdalawang loob na magbigay ng tiwala sa’kin. Salamat.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment