Huwebes, ika-12 ng Nobyembre, nang bumungad sa publiko ang matindi at malawak n baha na dulot ng pananalasa ni bagyong Ulysses sa Luzon at ka-Maynilaan. Dahil dito kaya maraming residente ang stranded at naghihintay ng mga rerescue na sasagip sa kanila habang sila ay nanatili sa ibabaw ng kanilang mga bahay.
Ngunit, kahit sa pagkilos ng lokal na pamahalaan at mga rescuers ay hindi pa rin lubusang nare-rescue ang mga apektadong residente kaya naman, kahit mga ordinaryong tao ay tumulong na rin na mapabilis ang mga rescue operations.
Sa hanay naman ng mga sikat na personalidad ay naging trending ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones matapos na lumusong sa baha ang mga ito gamit ang kanilang mga surfboards upang tumulong sa nangyayaring rescue operations.
Sinuong nina Jericho ang mataas at malawak na baha sa kanilang lugar sa Marikina upang tulungan ang kanilang mga kapitbahay na stranded sa baha. Maraming mga residente ang nakakuha ng larawan ng dalawa na agad ibinahagi sa social media.
Isa ang Markina sa pinakamatinding binaha dahil sa bagyong Ulysses kaya naman, lubog sa tubig baha ang mga kabahayan dito at walang ibang mapagpipilian ang mga tao kundi ang manatili sa kanilang mga bubongan.
Ilang mga residente rin ang kumuha ng video ng dalawa habang nag-iikot sa lugar at tumutulong na ma-recue ang kanilang mag kapitbahay o kapwa mga residente sa lugar.
Sa isang video, sakay ang kanyang surfboard ay maririnig pa nga si Kim na sumisigaw sa isang residente habang tinatanong kung kailangan ba raw nito ng tulong.
“Do you need help?” ani pa ni Kim.
Panay ang pagmamasid ng mga ito sa kanilang dinadaanan upang makatulong sa mga nangangailangan na hindi makalusong dahil sa taas ng baha.
Ang ginawang ito nina Jericho at Kim ay agad naman na naging trending sa social media kung saan, umani ng mga papuri at paghanga ng mga ito para sa kanilang ginawang pagtulong. Sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN, isinaad ni Jericho na sa panahong ito ay mas mabuti umano na tumulong na lamang kaysa magreklamo.
“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard…
“Okay naman ['yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na 'yung agos and wala pang boats…
“Kasi parang paggising ng mga tao, napuyat sila kagabi, paggising nila ganyan na. Maraming taong hindi nakaalis. Based on nangyari na before tapos caught by surprise na naman tayo na ganito, I think in that sense medyo mas malala ito…
“Stay calm and siguro it’s too late now to complain or anything so mas maganda, kung tayo mismo in the future we can prepare. It’s always preparation para sa akin. Preparation ng mga nasa bahay and ng mga rescuers. Of course, support the rescuers. I hope they get enough funds for rescue. We get better warnings sana for the people para hindi na mangyari,” saad pa ni Jericho.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment