Bali-balita ngayon ang inihaing reklamo ng aktres na si Claudine Barretto para sa dati nitong asawa na si Raymart Santiago matapos na hindi raw tumupad ang huli sa napag-usapang sustento nito para sa kanilang mga anak.
Ayon mismo sa abogado ng aktres na si Atty. Ferdinand Topacio, napagkasunduan daw dati ng dalawa na magbibigay si Raymart ng Php100,000 kada buwan bilang sustento sa kanilang mga anak na sina Santino,13, at Sabrina,16, ngunit, hindi raw ito nagawa ng aktor,
Kaya naman, idinemanda ito ni Claudine ng paglabag sa ‘Violence Against Women and their Children Act’ o Republic Act 9262 at ‘economic abuse’ sa Marikina City Prosecutor’s office. Saad pa nga ng abogado ni Claudine,
“Hindi nagbibigay ng sustento si Raymart. Ang tagal na! Nagbibigay siguro, 14 thousand a month, ganun. 'Tapos, wala na.”
"Before in court, meron na silang pinirmahan na 100 thousand a month—na pwede-pwede na rin, although insufficient pa rin. But even that, hindi natutupad, kaya we have to file a case against him.”
Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa publiko ang ginawang ito ni Claudine na pagdedemanda. Karamihan sa mga netizen sa social media ay napa-react sa halaga umano ng sustento na hinihingi ni Claudine mula sa dating asawa.
Bagama’t mayroong iilan na naiintindihan kung bakit ganitong halaga ang hinihingi ng aktres bilang sustento sa kanilang dalawang anak, mayroon pa ring iilan na masyado raw nalakihan sa halagang ito.
Kaya naman, hindi naiwasan na magbigay ng opinyon kaugnay nito ang ilang mga netizen. Para sa mga ito, masyado raw malaki ang halaga lalo na’t mayroon ngayong pandemya kaya marahil ay hindi nakapagbibigay ang aktor.
Heto ang ilan sa naging komento ng mga netizen na animo’y hindi sang-ayon sa hinihinging sustento ng aktres para sa kanilang mga anak:
“Nasa batas na mandatory magsustento ang ama sa mga anak. Pero 100k? Sobra-sobra naman.”
“Wow! 100k talaga ha. Ginagatasan mo mashado ang tao, Claudine. Ganyan ba kalala ang lifestyle mo? Parenting and support is shared by both parents.”
“OA na rin.Oo dpat lang na magsustento ang ama pero hindi naman dapat ganyan ka laki… 100k kada bwan ? Dalawang bata lang. Dapat isipin mo rin ate ‘yung posisyon ni Raymart lalo na pandemic ngayon.”
“Grabe naman sa 100k. Lupa’t bahay na yan ah kaming ngang mga poorita di pa kami nakakakita ng buong 100k sa tanang buhay namin. mapapa Sana all ka nalang tlaga.”
Gayunpaman, sa kabila ng mga negatibong komento na ito ay mayroon pa rin namang ilan na suportado ang desisyon ni Claudine lalo na ang halaga na hinihingi nito. Para sa mga ito, tama lamang ang Php100,000 sa pag-aalaga nito sa dalawang bata at mga gastusin gaya na lamang ng kanilang matrikula. Saad pa nga ng ilan sa mga ito,
“Karapatan n’ya ang mang hingi ng ganung sustento, kasal sila. Na kay Claudine ang anak, pag aaral, pagkain pag aaruga. Magkano ang matrikula ngayon sa exclusive school para sa dalawang bata?”
“100k sa dalawang bata maliit lang yan sa kanila. Tuition n’yan mahal, meron pang yaya. Naka-aircon pa. Hindi OA ang manghingi ng sustento”.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment