Kamakailan lang ay mayroong pag-aaral na inilabas tungkol sa COVID-19 kung saan, napag-alaman na maaari raw itong makaapekto sa kakayanan ng isang lalaki na magkaanak. Sa naturang pag-aaral, ang pagkakaroon ng COVID-19 ay maaari umanong magdulot ng pagkabaog.
Kumalat kamakailan lang ang ilang mga artikulo tungkol sa mga pag-aaral na ito na nakarating din umano sa Department of Health. Kaya naman, ayon sa DOH ay pag-aaralan umano nila ang naturang posibilidad na dulot ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeiere, maglalabas umano ang DOH ng pahayag ukol sa naturang pag-aaral.
“Nakita natin 'yang artikulo na 'yan noong isang linggo at ito po naman ay ibinigay natin sa ating mga eksperto para bigyan tayo ng appropriate na pagpapaliwanag kung papaano ito,” ani pa nito.
Dagdag pa ni Vergeiere, sa kaila ng iba’t-ibang pag-aaral tungkol dito na isinaad sa ilang mga artikulo ay huwag daw munang maniwala rito ang publiko hangga’t pa nila ito nasusuri. Pagbibigay paalala pa nito,
“Wag muna nating paniwalaan. We should have adequate and further evidence para dito bago tayo makapagsabi at makapag-rekomenda sa ating mga kababayan.”
Isa sa mga pag-aaral na isinaad sa naturang mga artikulo kung saan, lumalabas na maaari raw makabaog ang pagkakaroon ng COVID-19 ay ang isang pag-aaral ng mga researchers sa University of Miami sa Florida, USA.
Dito, sa pag-aaral na ginawa nila sa anim na lalaking pumanaw sa COVID-19, tatlo sa mga ito ang nakitaan nila ng ‘testes damage’ na malaki ang epekto sa pagpo-produce nito ng sperm.
“The possibility that COVID-19 damages the testes and impacts fertility ... warrants gonadal function evaluation in men infected with COVID-19, or who have recovered from COVID-19, and desire fertility,” saad pa nga sa naturang pag-aaral.
Maliban dito, isa ring pag-aaral na ginawa ng mga Chinese researchers tungkol dito ang mayroong katulad na resulta. Dito, napag-alaman nila ang posibilidad na ‘vulnerable’ mula sa COVID-19 ang male reproductive system.
“Impairment of spermatogenesis was observed in COVID-19 patients, which could be partially explained as a result of an elevated immune response in testis. Additionally, autoimmune orchitis occurred in some COVID-19 patients. Further research on the reversibility of impairment and developing treatment are warranted,” saad pa rito.
Sa nasabing pag-aaral, napag-alaman na ang maaari umanong pag-atake ng COVID-19 sa ‘testes’ ay maaaring magdulot ng ‘orchitis’ o ‘severe inflammation’. Pareho ang resulta na napag-alaman dito sa iba pang mga pag-aaral din sa parehong paksa. Ang COVID-19 ay maaari raw magkaroon ng hindi magandang epekto sa ‘reproductive system’ ng mga lalaking nagpositibo rito.
“These findings indicate that the male reproductive system could be vulnerable in COVID-19, as demonstrated by spermatogenic dysfunction with a significant decrease in sperm counts in COVID-19 patients, along with immune response in testis and epididymis.
“This implies to attach importance of applying further care in reproductive health in men infected with COVID-19. Screening of these patients is warranted to investigate whether these impacts are reversible or not and develop standard therapeutic strategies to aid these patients,” dagdag pa sa nasabing pag-aaral.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment