Saturday, November 28, 2020

OPM Icon na si April Boy Regino, Pumanaw na sa Edad na 51


Sa edad na 51 ay pumanaw na ang OPM singer at icon na si April Boy Regino, o Dennis Regino Magdaraog sa totoong pangalan. 

Sa isang Facebook post nito lamang Linggo, ika-29 ng Nobyembre, ang nakakalungkot na balitang ito ay kinumpirma mismo ng kapatid ng singer na si Vingo Regino.

“Nakakalungkot naman ang araw na ito… wala na ang kuya April Boy ko…,” saad pa nito sa kanyang Facebook post.

Hindi naman isinaad sa naturang post kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng singer-composer.

Matatandaan na na-diagnose dati si Regino ng prostate cancer noong 2009. Ito ay matapos na manirahan ang singer sa Amerika mula 2005. Dahil din dito kaya iniwan ni Regino ang showbiz. Saad pa nga nito tungkol dito dati,

“Parang hindi po ako makapaniwala dahil sabi ko bakit ako magkakaroon ng prostate cancer eh napakabata ko pa? Parang nagtanong po ako sa Diyos na bakit ako nagkaroon ng ganitong sakit.”

Gayunpaman, gumaling mula karamdamang ito si Regino at idineklara nito na siya ay cancer-free. Ngunit, noong 2015 ay naibalita na na na-diagnose ulit ang Original Pilipino Music (OPM) singer ng diabetic retinopathy na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang paningin sa kaliwang mata.


Ilan sa mga pinakasumikat na awitin ni Regino noong dekada ‘90 ay ang kanyang mga novelty songs na ‘Paano ang Puso ko’, ‘Di Ko Kayang Tanggapin’, at ‘Umiiyak ang Puso’.

Kilala din si Regino sa pamimigay nito ng cap o sumbrero sa mga audience sa tuwing nagpe-perform ito.

Si Regino ay maituturing na isa sa mga legend ng OPM kaya naman, ikinalungkot ng marami ang pagpanaw nito. Agad naman na nagpaabot dito ng kanilang pakikiramay ang publiko lalo na ang mga tagasuporta ni Regino.

Isa lamang si Regino sa mga kilalang tao na pumanaw ngayong taon. Ang mga pagpanaw na ito ng mga kilala at iniidolong tao ngayong taon ay talaga namang ikinalungkot at ipinagluksa ng marami. Kaya naman, para sa mga ito ay napakalungkot ng taong 2020 dahil sa pagkawala ng mga itinuturing na legend hindi lamang sa larangan ng musika kundi sa iba pang mga larangan.

Heto ang ilan sa mga ibinahaging pahayag ng mga netizen sa pagpanaw ni Regino:

“DI KO KAYANG TANGGAPIN… another legend passed away. May you rest in peace, APRIL BOY REGINO. You'll forever be in our hearts, you'll forever be remembered.”

“2020… the worst year ever. A lot of legends died this year, April Boy Regino is another one of them. My condolences to his family on their loss.”


“I am deeply saddened to hear the news about the death of one of the most iconic OPM singers, April Boy Regino. Thank you for the songs you made our childhood feel better. ‘Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin.’”

“2020 is not just taking people away from us. More than anything, it is trying to take away solid memories of our growing up years away from us. Di ko kayang tanggapin. Sino pa kaya ang aalis? Ano pa kaya ang darating?”


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment