Simple ngunit madamdamin ang iniwang mensahe ng komedyante at host na si Vice Ganda para sa kaarawan ng kasintahan nito na si Ion Perez.
Sa Instagram, kalakip ng larawan nito at ni Ion ay binati nito ang huli para sa kanyang kaarawan nitong Biyernes, ika-27 ng Nobyembre. Ani dito ni Vice para kay Ion,
“Di ko alam kung anung caption ang ilalagay ko. Gusto kong mag isip ng bonggang mga salita. Pero hindi eh. Nung dumating ka naging pinakamaganda kung ano ung pinakasimple. Kung ano ung totoo yun ang maganda. Kung ano yung sinsero yun ang maganda. Kaya di ko na aartehan.
“Happy Birthday Benigno!!! Araw araw magdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka nya. Na ipahintulot nyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras. At sana bigyan nya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong makapiling ka pa.
“Gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa. Gusto kong mahalin ka pa. Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masaya. At hanggat mahal kita yung mundo ko mananatiling maganda!
“Happy Birthday Noy!!!!! Mahal na mahal ka ni Tutoy!”
Tutoy ang palayaw ni Vice na siya ring madalas na tawag sa kanya ng boyfriend. Para sa ika-30 kaarawan ni Ion, isang simpleng surpresa ang inihanda rito ni Vice kung saan, isang cake ang hawak nito habang hinihintay na pumasok sa bahay si Ion.
Pagkapasok ni Ion, nagulat man ay natuwa din ito nang kantahan ito ni Vice ng ‘Happy birthday’ at mayroong hawak na cake para sa kanya.
Matapos ibahagi ni Vice ang matamis na mensaheng ito para kay Ion ay bumuhos na rin ang mga pabati para rito mula sa mga netizen. Hindi rin naiwasan ng mga ito na kiligin sa mensahe ni Vice para kay Ion.
Heto nga ang ilan sa mga mensaheng ito na iniwan ng mga netizen sa IG post na ito ni Vice:
“Happyyy birthdayyy hayoooon! Mahal ka namin!”
“Di naman ako may bertdey pero o binati bat naiyak ako sa caption? Normal ba yon HAHAHA!”
“Happiest birthday Ion. Stay safe. Wish you and Vice to stay healthy and happy.”
“Happy birthday!!! Wish ko na sana FOREVER na kayo ni meme!!!”
Nito lamang nakaraang Oktubre ay kakacelebrate lamang ng dalawa ng kanilang ikalawang anibersaryo. Ibinahagi naman ni Vice ang pagdiriwang nilang ito ni Ion sa kanyang vlog kung saan, naging emosyonal ang dalawa dahil sa isa na namang surpresa rito ni Vice.
Dito ay isang madamdaming kanta na siya mismo ang sumulat ang handog ni Vice para kay Ion. Ayon kay Vice, sa tulong ng kaibigang si Moira dela Torre ay nabuo nito ang kanta na mula sa isang tula na isinulat niya para sa boyfriend. Eksklusibo ding ipinagdiwang ng mga ito ang naturang okasyon, kasama ang kanilang mga kaibigan, sa Enchanted Kingdom.
Sina Vice at Ion ay unang nagkakilala sa noontime show na ‘It’s Showtime’ kung saan, regular at isa sa mga main hosts nito si Vice Ganda.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment