Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang isang video ng lola ni Jake Cyrus, o dating kilala sa pangalang Charice Pempengco. Sa naturang video, makikita ang emosyonal na si Tess Pineda habang humihingi ng tulong matapos daw siyang pagpasa-pasahan daw ng kanyang mga anak.
Sa bandang huli ng nasabimg video, makikita ang 74 taong gulang na si Tess na binabanggit ang apong si Jake na tinatawag pa rin nito sa pangalang Charice. Dito, tinanong nito ang apo kung bakit hindi na raw siya tinutulungan o naaalala nito.
“Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala?” ani pa nito kay Jake.
“Kung ako ay naging masamang ina, kung ako ay naging masamang lola, sa akin pa rin kayo nagmula. Ano bang kasalanan ko sa inyo para paghigantihan niyo ako ng ganito?” dagdag ani pa ni Tess.
Ayon sa lola ng sikat na singer, nais niya raw na maipaabot ang kanyang paghingi ng tulong kina Raffy Tulfo, Jessica Soho, o di kaya ay kay Boy Abunda. Hindi na raw kasi ito naaalala ng sariling pamilya at pinalayas daw siya ng sariling anak. Saad pa nga nito,
“Magandang umaga po, Sir Tulfo, Ma’am Jessica Soho, kay Boy Abunda… Ako po ay lumalapit sa inyo, humihingi po ng kaunting tulong. Ako po si Tess Pineda, kilala po bilang lola ni Charice Pempengco.
“May sakit po ako, ang BP ko po lagi tatlong araw na, 160/100. Puwede po ba akong matulungan makapagpa-check-up man lang ako?”
Maliban sa pagpapa-check up, nais din daw sana ni Tess na makahingi ng kahit kaunting pangkabuhayan para sa kanyang pananahi at nang makatulong daw siya sa tinutuluyan niya ngayon.
“Hindi po ako naalala ng pamilya ko,” muli pa nitong ani.
“Lumalapit po ko sa inyo, humihingi ng tulong, makina po at pinansiyal para mapa-check up ko po yung mata ko. Nito pong nagdaang taon ako po ay na-istroke sabi ng doktor napatiran daw po ako ng ugat sa ulo, sa batok,” pagbabahagi pa ni Tess sa kanyang naging kondisyon.
Mabigat pang pahayag ng lola ng singer, wala raw itong natatanggap na sustento kahit piso. Saad pa nito,
“Pero pinilit ko pong maka-recover. Wala na po kasi ako mapagbili ng gamot. Gusto ko pong maghanapbuhay kahit konti, kumita kahit konti... Wala na po akong makina, binenta na nilang lahat. Hindi naman po ako sinusustentuhan kahit piso.”
Dagdag pa nito sa kanyang naging pahayag, hindi naman umano ito ‘nagpapahabag’. Ngunit, iginiit nito na wala na siyang natatanggap na tulong mula sa kanyang anak na si Raquel Pempengco, ang ina ni Jake.
Ayon sa ulat, nakikitira ngayon ito sa isang residente sa may Sta. Rosa Laguna.
Matapos lumabas ang video na ito, mariing itinanggi ni Raquel na pinalayas nito ang ina at iginiit na ito umano ang kusang lumayas sa kanila. Sa katunayan daw ay maayos ang pagtira doon ng kanyang nanay na mayroon pang tagapag-alaga at taga-laba.
Sa kabilang banda, wala pang anumang pahayag na inilalabas si Jake tungkol sa panawagan dito ng kanyang lola.
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment