Sa unang tingin ay iisipin mong isa lamang ordinaryong construction worker ang tatay na ito. Ngunit, animo’y isa mang construction worker sa gabi, ang lalaking ito ay isa principal pala sa isang paaralan.
Saan ka nga ba makakakita ng isang respetadong punong-guro sa umaga ngunit sa gabi ay nagmamason at nag-aayos ng mga sira sa kanyang paaralan? Si Sir Elmer Lumbo lamang ng Habana Integrated School sa Aklan.
Sa isang Facebook post ng anak ni Sir Elmer, ipinagmalaki nito ang kasipagan ng kanyang ama na nagtatrabaho mang principal ay walang pagdadalawang-isip na nagsesemento at nagmamason naman sa kanyang paaralan tuwing gabi at tuwing mayroon itong ekstrang oras.
Hindi alam ni Sir Elmer, 59 taong gulang, na kinunan ito ng larawan ng kanyang anak na si Jose Elvis Michelet Lumbo. Sa naturang mga larawan, makikita ang principal na nagsesemento ng hagdan at gumagawa ng riprap sa gabi sa kanyang pinumumunuang paaralan.
Ayon sa principal, minadali raw nito ang pagkumpuni at paggawa ng naturang bahagi ng paaralan dahil sa iba niya pang mga gawain bilang punong-guro.
Ayon kay Jose Elvis, ang tatay niya lamang ang alam niyang principal na gumagawa ng construction habang nagtatrabaho bilang punong-guro ng paaralan. Kaya naman, ipinagmalaki niya ito sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Hindi naman nito inasahan na magiging viral ang kanyang Facebook post at aani ng mga papuri mula sa mga netizen. Noong una ay pinagsabihan pa umano ni Sir Elmer ang kanyang anak ngunit, ipinaliwanag nito na katuwaan lamang ang pagbabahagi at pagmamalaki niya sa kanyang masipag na tatay.
Dahil sa Facebook post na ito kaya umani ng kabi-kabilang paghanga si Sir Elmer mula sa publiko. Humanga ang mga ito sa kasipagan at sa kababaang loob na mayroon ito kahit na isa itong punong guro.
Sa isang Facebook post, nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Sir Elmer para sa mga natanggap niyang pagbati. Ani pa nito, ang kanyang ginawa ay maliit na bagay lamang umano kumpara sa iba pang mga gawain ng kanya ring mga kapwa guro at sa hanay ng DepEd.
Heto pa ang ilang bahagi ng kanyang pasasalamat at pahayag matapos magviral ang Facebook post ng kanyang anak tungkol sa kanya:
“I wish to convey my sincerest gratitude and appreciation to all of you! Those simple acts of mine that went viral and garnered several positive reactions and likes from netizens emanated from the loving concern of my son, Jose Elvis Michelet Lumbo who caught me still working at night and forgetting to have a dinner on time…
“I pretty well know that there are plenty of colleagues in the Deped commumity accross the country who did more heroic acts worthy of emulation. Mine was just a "chunk of a fraction"...
“Your recognition, appreciation, and accolade will be treasured forever not only by my family but also those of the stakeholders who believe in my selfless service and leadership in Habana Integrated School. I wish to share this with you all. May this serve as my inspiration in performing my duties with more fervor dedication.
“Let us work together for education and welfare of the Filipino children especially during this moment of challenges and uncertainties brought by the pandemic. Maraming maraming salamat po!”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment