Sunday, December 20, 2020

Aktres na si Lovely Abella, Namalimos Daw sa Isang Mall sa Saudi Arabia


Sa pagdiriwag ng kaarawan kamakailan lang ng komedyante at sexy actress na si Lovely Abella, isang nakakatawang video nito ang ibinahagi ng kanyang kaibigan na si Alberto ‘Betong’ Sumaya Jr. 

Nito lamang Biyernes, ika-11 ng Disyembre ay 34 taong gulang na si Lovely. Sa naturang video na ibinahagi ng kaibigan, makikita ang aktres na namamalimos habang nakaupo sa sahig ng Kingdom Tower na mall sa Saudi Arabia. 

Habang nagpapanggap na pulubi ay isang lalaki ang tumigil at nagbigay ng pera sa aktres. Ngunit, ang nakakatawa ay paulit-ulit na humingi rito ng pera si Lovely at nagrequest pa ng malaking halaga.

“Amazing Birthday sa isa sa mga nilalang na mahal na mahal ko..."Givie" sana ma-appreciate mo itong video na ito noong namamalimos ka sa isang mall sa Saudi. Naisahan mo si Daddy Sammy pero di mo ko nakalimutang hatian hehehe…

“Ganun si "Givie" laging mapagbigay sa kapwa kahit minsan gipit din siya. May all your dreams for your family, friends and loved ones do come true syempre pati mga pangarap mo. Lab yu,” pagbati pa rito ni Betong kay Lovely.

Natuwa naman si Lovely para sa pagbating ito sa kanya ng mabuti at malapit na kaibigan. Kaya naman, sagot niya rito,

“Givie [three crying emojis] salamat pisti ka pinaiyak mo ako!!! Mahal na mahal kita givie wala akong pinagdasala kundi ang kasiyahan mo!!”


Bukod sa pagiging malapit na magkaibigan, sina Lovely at Betong ay magkasama o magkatrabaho rin sa gag show ng GMA na ‘Bubble Gang’, ang longest running gag show ng bansa.

Samantala, sa kanyang kaarawan ay nagbahagi naman si Lovely ng ilang mga larawan ng pagdiriwang nila sa okasyon. Base sa mga ibinihagi nitong larawan sa Instgram, isang simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan ang idinaos ng sexy actress at komedyante. 

“Yahooo!! Birthday ko today!! Akalain niyo yun 34 na ako!! Hahahaha, ayoko man ipagsigawan pero happy ako at my age madami akong naachieve, at naniniwala ako na lahat dapat pagsumikapan at paghirapan…

“Salamat sa lahat ng bumati at babati pa, love you all,” ang ani naman ni Lovely sa IG tungkol sa kanyang kaarawan.

Maliban sa regular na napapanood si Lovely sa ‘Bubble Gang’ tuwing Biyernes ng gabi, kilala din ito sa paglabas niya sa higest grossing film ng bansa na ‘Hello Love, Goodbye’ na pinagbidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Si Lovely ang isa sa mga pinakamagaling na komedyante sa Kapuso Network. Ilang buwan ang nakakaraan, minsang naibahagi ng aktres at komedyante na nagpositibo rin ito sa COVID-19 na nagdulot sa kanya ng depresyon. Dagdag pagbabahagi pa nito, maging ang kasama niya sa bahay ay nagkaroon din umano ng mga sintomas ng COVID-19.

Gayunpaman, ipinagpapasalamat ni Lovely na naka-recover at nalampasan na nito ang pagsubok ng COVID-19 sa kanyang buhay.


Sa ngayon ay engaged na ang aktres sa aktor na si Benj Manalo. Ngunit, dahil marahil sa pandemya ay wala pang anunsyo ang mga ito kung kailan ang kanilang kasal. Parehong may anak sina Lovely at Benj sa kanilang mga dating karelasyon.

Source: showbizflash

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment