Nakunan ng video ang pamamaril ng isang pulis mula sa ParaƱaque sa isang mag-ina sa Tarlac matapos na magkaroon ang mga ito ng alitan na nauwi nga sa pamamaril nito sa dalawa.
Sa video na kumakalat, makikita na niyakap ng nanay na si Sonya Rufino, 52, ang kanyang anak na si Frank Anthony Rufino, 25, upang mapigilan ito na harapin ang pulis. Ngunit, sa kabila nito ay dalawang beses na binaril sa ulo ang dalawa ng suspek na kinilalang si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, 46.
Ang mga suspek ay residente ng Brgy. Cabayaosan sa Paniqui, Tarlac kung saan din nangyari ang insidente. Samantala, ang suspek ay na-assign na pulis sa ParaƱaque City ngunit, umuuwi sa Paniqui, Tarlac.
Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo sina Nuezca at ang mga biktima dahil sa pagpapaputok ng boga. Dahil din dito kaya naungkat ang dati na nilang hindi pagkakaintindihan tungkol sa right of way. Magkapitbahay lamang ang mag-ina at ang suspek.
“According to witness na na-interview natin, 'yung initial na info na nakuha natin is may nagpaputok ng boga, kung alam niyo 'yung PVC na during New Year pinapaputok,
“Magkapitbahay lang sila. Narinig ng pulis. Nagpunta siya sa bahay ng biktima at nagkaroon sila ng pagtatalo…
“Then naungkat 'yung matagal nilang alitan tungkol sa right of way. Doon nagsimula ang pagtatalo nila na umabot na sa pamamaril ng ating suspek,” pagbabahagi pa ni Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police Station.
Bagama’t agad na tumakas ang pulis gamit ang motor, sumurender na umano ito sa pulisya matapos lamang ang ilang oras.
Dagdag ani pa Rombaoa, ayaw umanong magsalita ngayon ng suspek. Ngunit, inihahanda na ngayon ang mga kasong isasampa kay Nuezca gaya ng double murder.
“Nuezca was remorseful… Ayaw po muna niyang makipag-usap. Sabi niya ay sa korte na lang daw po. Nagsisi siya doon sa nagawa niyang pamamaril…
“Pine-prepare na namin ang pagsasampa sa kanya ng double murder. Meron pa po kaming ibang kinukunan ng salaysay, 'yung mga witness, para makumpleto ang pagsampa ng kaso,” ani pa ulit ni Rombaoa.
Samantala, mahinahon na ngayon ang pamilya ng mga biktima dahil nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek. Siniguro din umano ng kapulisan na bibigyan nila ng hustisya ang nangyari sa mga biktima.
Naipalam na rin umano ang nangyaring krimen kung saan nakadestino bilang pulis ang suspek na si Nuezca. Dahil sa Tarlac nangyari ang insidente, kahit sa ParaƱaque nakadestino si Nuezca ay mayroong jurisdiction sa kaso ang Tarlac City.
"'Yun pong pamilya, nakausap ko kagabi. Pupunta sila dito sa police station. Then sinabihan ko na lang sila na nasa custody na natin ang suspek…
“Sinabihan kong 'Maging mahinahon na lang kayo.' Gagawin naman namin lahat ng makakaya namin para mabigyan ng justice 'yung kapamilya niya. Naging mahinahon naman po sila,” pagbabahagi pa ulit ng hepe ng Paniqui Police Station.
Samantala, kalat na kalat na ngayon ang video footage ng pangyayari na umani ng galit na reaksyon sa mga netizen na naawa sa sinapit ng mag-inang biktima. Sigaw rin ngayon ng mga ito na mabigyan ng hustisya ang nangyari.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment