Sa kabila ng tagumpay at pagkilalang natatanggap ngayon ng aktor na si Arjo Atayde dahil sa husay nito sa pag-arte lalo na sa pagiging isang mahusay na kontrabida, ayon sa aktor ay hindi nito pinangarap ang naturang karakter o ang kahit maging isang matinee idol.
Kaya nagpursige si Arjo na maging artista ay dahil gusto niyang maging isang mahusay na komedyante at makatrabaho ang mga pinakatanyag sa nasabing larangan na sina Babalu at Redford White.
“I didn’t want to be a kontrabida. I don’t want to be a matinee idol or anything. I’ve always wanted to be a comedian. The reason why I wanted to be an actor was because I wanted to work with Babalu and Redford White.
“That was my goal before but di nabigyan ng chance kasi I started na rin late,” pagbabahagi pa ni Arjo.
Si Arjo ang itinanghal na Best Actor sa ginanap na Asian Academy Creative Awards 2020 kung saan, ito lamang ang tanging aktor mula sa Pilipinas na nanalo sa prestihiyosong award-giving body.
Ayon sa aktor, sa kabila ng pagiging anak niya ng isang artista, hindi naging madali para sa kanya ang maging isang magaling na aktor at makilala. Mas pinili nito na hindi gamitin ang koneksyon na mayroon siya para makapasok sa industriya.
“Because having a mom who’s an actress doesn’t necessarily mean they would get you. You still have to work for it. I think that’s a misconception of mga anak ng artista. Even my sister Ria we all worked for it. It’s just a big factor that our mom is in the industry.
“We already have the exact and factual guidance to be given to us, which is to our advantage. Fame is not my game. Having goals like stepping out of my mom’s shadow it’s not like that. I’m not trying to prove anything in the first place. I just really wanted to act and have fun.
“I feel like I’m playing and working at the same time. I learn. That’s the most important thing for every day I think,” saad pa ng aktor.
Si Arjo ay anak ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez. Kagaya ng aktor, pumasok din sa industriya ng pag-arte ang kanyang kapatid na si Ria Atayde. Pagbabahagi pa nito, ilang beses niya umanong sinubukan na pumasok sa showbiz ngunit, hindi ito naging madali.
Taong 2002 pa noong una itong lumabas sa telebisyon ngunit, noong mga panahong handa na sana siyang isuko ang pangarap ay ang panahon naman na nabigyan na siya ng pagkakataon. Pagbabahagi pa nito,
“I really wanted ever since before so ang dami kong sinalihan na VTR, commercial, all that stuff, audition of shows. Never naman ako tinanggap, eh.
“And then nu’ng time na ayoko ng mag-artista, sabi ng mom ko may workshop so i-try ko lang. I tried the workshop and by God’s name, by the time I didn’t want it anymore, du’n naman napunta sa akin. So I grabbed the opportunity,”
Source: INQUIRER
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment