Sunday, December 20, 2020

Bea Alonzo, Inamin na Palagi Siyang ‘In Love’ sa Aktor na Ito

Ang tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ay hindi maikakaila na isa sa pinaka matagumpay na loveteam sa henerasyon ng showbiz kahit na hindi kailanman nagkaroon ng relasyon ang dalawa na higit pa sa pagiging magkaibigan.

Ilang beses man silang iugnay sa isa’t-isa at masangkot sa isyu na umano’y mayroon daw silang relasyon sa totoong buhay, ilang beses ding nilinaw ng dalawa na mabuti lamang silang magkaibigan. Ngunit, kahit magkaibigan lamang ay aminado ang mga ito na espesyal sila para sa isa’t-isa.

Gayunpaman, isang pahayag na animo’y pag-amin na din ang isinaad ng aktres nang makapanayam ito ng celebrity doktor na si Aivee Teo. Dito, ang tungkol sa nararamdaman niya kay John Lloyd ang kanilang napag-usapan.

Ayon kay Bea, hindi na umano isang katanungan kung minahal niya ba si John Lloyd dahil hindi ito tumigil na mahalin ang aktor. 

“I’m always in love with the guy,” ani pa nga ni Bea.

Pagbabahagi nito, ang matagumpay nilang tambalan ay hindi naman umano mangyayari o mabubuo kung hindi umano dahil sa pagmamahal niya kay John Lloyd. Naihayag din nito na maliban sa pagiging malapit na magkaibigan, nagkaroon din ng pagkakataon na muntikan nang mauwi sa isang relasyon ang kanilang samahan.

“I’m always in love with him. I feel like our partnership will never work if I was not in love with him. So nandoon lagi 'yun… 

“I think I said this before doon sa interview ko with G3 (San Diego) na yung relationship namin, lahat na napagdaanan. We were friends, we were enemies, we were almost lovers. Yung relationship namin, nata-transcend niya na yung level of just romance. Now, he’s more than just that to me. That’s the beauty of it,” ani pa ni Bea.

Espesyal hindi lamang para kay Bea ang relasyon nilang ito ni John Lloyd kundi para na rin sa aktor kaya pareho nilang nirerespeto ang isa’t-isa. Alam din umano ng aktres na parehong pagmamahal ang nararamdaman para sa kanya ng aktor. Dagdag ani pa nga nito,

“Parang hindi mo alam kung ano siya, and I’m in love with that idea. I know that we have the same amount of respect and love for each other. That’s why it’s very special to me…”

Samantala, inamin naman ni Bea na mayroon itong idene-date ngayon ngunit, mas pinili nitong hindi pangalanan ang naturang lalaki na kanyang tinutukoy.

“I am dating. And guys if you’re interested, you can just comment below. Leave your number, char,” natatawang ani naman ni Bea tungkol dito.

Huling naiugnay ang aktor na si John Lloyd kay Ellen Adarna kung saan, bagama’t hiwalay na ang dalawa ay nagkakasundo ang mga ito para sa pagpapalaki ng kanilang isang anak. Parehong pansamantalang iniwan ng mga ito ang showbiz ngunit, mayroong ulat na parehong magbabalik na ang mga ito sa pag-arte.

Samantala, kontrobersiyal naman ang naging huling relasyon ni Bea kung saan, lubusang pinag-usapan ang hiwalayan nito sa aktor na si Gerald Anderson. Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa na kinasangkutan pa ng aktres na si Julia Barretto na itinuturong third party umano ng nasabing hiwalayan.

Source: ABS CBN


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment