Monday, December 14, 2020

Babae, Idenm4nda ang 8 Taong Karelasyon Dahil Hindi pa rin Siya Nito Pinapakasalan

Napagod at hindi na nakapaghintay ang babaeng ito sa bansang Zambia dahil sa kabila ng walong taon nilang magkarelasyon ng kanyang nobyo, hindi pa rin siya nito pinapakasalan.

Kaya naman, sinampahan at dinala nito sa korte ang kaso ng karelasyon dahil ani nito, sinasayang lamang ng nobyo ang kanyang oras dahil wala pa rin itong plano na pakasalan siya at lumagay sa tahimik.

Ayon kay Gertrude Ngoma, 26 taong gulang, maliban sa napagod na umano itong maghintay na pakasalan ng nobyong si Herbert Salaliki, 28 taong gulang, mayroon din daw siyang hinala na mayroong ibang babae ang karelasyon.

Nakapagbigay na rin umano ng ‘dowry’ si Herbert sa mga magulang ni Gertrude ngunit hindi pa rin siya nito inaalok ng kasal.

Mayroong isang anak sina Herbert at Gertrude ngunit hindi nagsasama ang mga ito. Si Gertrude ay nakatira pa rin sa kanyang mga magulang kahit na mag-isa lamang na nakatira sa kanyang tirahan si Herbert.

“He has never been serious, that is why I bought him to court because I deserve to know the way forward and our future,” ani pa ni Gertrude.

Samantala, depensa naman ni Herbert sa paratang sa kanya ng nobya, kaya raw hindi pa nito inaalok ng kasal si Gertrude ay dahil wala pa itong sapat na pera para magpakasal.

Dagdag ani pa nito, nagdadalawang-isip din daw siya na magpakasal kay Gertrude dahil hindi naman umano nito ibinibigay sa kanya ang atensyon na kanyang hinihingi. 

Hindi naman makapagbigay ng konkretong hatol ang korte tungkol sa kasong ito na inihain ni Gertrude dahil kahit na nagbigay ng dowry si Herbert sa kanyang pamilya ay wala pa rin kasal na naganap sa mga ito. 

Iminungkahi ni Judge Evelyn Nalwize ng Kabushi Local Court na maghain si Gertrude ng breach of marriage contract ngunit, hindi rin gaanong malaki ang magagawa ng korte rito dahil hindi nga sila kasal.

Kaya naman, payo nito sa magnobyo, mas mabuti daw na pag-usapan at ayusin na lamang ng dalawa ang kanilang problema na labas ang korte.

Sa Pilipinas, halu-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa balitang ito. Bagama’t mayroong iba na natawa sa naturang kaso, mayroon namang iba na naiintindihan kug bakit umano ito ginawa ng babae.

Kung tutuusin, matagal na umano ang walong taon para makapagdesisyon ang lalaki kung gusto nitong pakasalan ang nobya lalo na’t mayroon silang anak. Mukhang pinapaasa lamang umno nito ang babae kaya karapatan nito na magsalita.

Heto pa ang ilan sa mga halu-halong opinyon na inihayag ng mga netizen tungkol dito:

“Why would you stay with her for 8 years if you don't have any plan to marry her? Maybe you just used her. Not good! Pinaasa lang ang peg. Sakit nun bes super!”

“Dito nga sa Pinas, walo na anak hindi pa rin kasal!”

“Kawawa naman ‘yung mag ina. What women wants are stability and security. 8 years is an effin long enough to decide if yan nanay ng anak mo eh if gusto mo na ba talaga makasama habang buhay.”

“I don’t get it! Why force the guy if he’s not into you? He has taken you for a ride for 8 long years and you haven’t realised it till now?”

Source: philstarlife

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment