Kamakailan lang ay inanunsyo ng vlogger na si Zeinab Harake na nagbubuntis ito at matagal na silang nagkabalikan ng dating boyfriend na si Skusta Clee o Daryl Ruiz. Agad naman itong pinag-usapan ng mga netizen na bagama’t marami ang sumuporta ay mayroon pa ring iba na hindi napigilang malungkot.
Hindi sekreto sa karamihan na si Hashtag member Wilbert Ross ang naging sandalan ng vlogger noong mga panahong nalungkot at broken hearted umano ito. Ang kanilang pagsasama sa ilang mga vlogs at maging sa kanyang musice video ay talaga namang kinakiligan ng marami kaya marami ang umasa na sana ay silang dalawa na lamang ang magkatuluyan.
Naging bukas din noon si Wilbert na pag-usapan ang kanyang naramdaman para kay Zeinab at ilang beses nitong inihayag kung gaano niya kamahal at ka-espesyal sa kanya ang vlogger.
Kaya naman, kasabay ng pagte-trending ni Zeinab matapos ang kanyang anunsyo ng pagbubuntis ay ang pagtre-trending din ni Wilbert dahil maraming mga netizen ang nanghinayang para rito.
Muling kumalat sa social media ang ilan sa mga naging panayam at pahayag ni Wilbert tungkol sa nararamdaman nito kay Zeinab. Sa isang panayam nga rito ni Chad Kinis, inamin noon ni Wilbert na mahal niya si Zeinab.
Diretsahan niyang sinagot dito ang tanong ni Chad kung mahal nga ba nito ang vlogger. Sagot pa rito ni Wilbert,
“Oo mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya masaya akong kasama sya, sakin kase gusto ko chill lang kasi yung tao galing sa break up, galing sa stress galing sa madaming ano...sakin ayokong makadagdag sa stress nya… Mahal ko sya. Ito sasabihin ko. Mahal kita, Zeinab.”
Kung matatandaan, maging noong kaarawan ni Zeinab noong nakaraang taon ay isang sweet na mensahe rin ang ibinahagi ni Wilbert para rito. Mensahe niya naman dito para sa vlogger,
“Mahal kita alam mo yan. Alam mong andito lang ako pra sayo. Nakastandby sa tawag mo sa umaga na umiiyak o sa gabing gustong mag rant ng malala. Support kita sa lahat ng gusto mong gawin at sa lahat ng mga desisyon mo sa buhay. Kahit pa eh di ako kasama dun sa mga desisyon na yun. Basta chill lang ako sa gilid.
“Deserve mong sumaya. Deserve mo ng matino. Deserve mo ng aalagaan ka. Happy Birthday Ulit! Love you…”
Sa vlog kung saan inanunsyo ni Zeinab at Daryl ang pagkakaroon nila ng anak, nag-iwan ng simpleng komento si Wilbert na talaga namang ikinalungkot ng mga netizen kahit na isang pagbati ang iniwang pahayag na ito ni Wilbert.
“Congrats zei! :) best wishes!” ang ani pa rito ni Wilbert.
Dahil dito kaya maraming mga netizen ang hindi napigilang ihayag ang kanilang panghihinayang lalo na kay Wilbert na nagmahal daw kay Zeinab ng totoo at naging sandalan nito noong mga panahon na kinailangan nito ng masasandalan. Saad pa nga ng iilan, isa naman umanong ‘pinagtagpo ngunit hindi itinadhana’ ang nangyari kina Zeinab at Wilbert.
Kaya naman, bagama’t masaya naman umano ang mga ito para kina Zeinab at sa magiging baby nito, hindi pa rin nila maiwasan na malungkot para kay Wilbert.
Source: showbizphinsider
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment