Monday, December 14, 2020

Carlos Agassi, Naaksidente sa Kanyang Home Gym Ilang Araw Bago ang Kaarawan


Noong nakaraang Lunes, ika-7 ng Disyembre, ibinahagi ng aktor na si Carlos Agassi na isinugod ito sa ospital matapos na maaksidente sa gym nito sa bahay. Ngunit, pagbabahagi ng aktor, sa tuwing papalapit na ang kanyang kaarawan ay napapansin niya raw na nasasangkot siya sa aksidente.

“Every week before my birthday, I always get into an accident. I can’t explain if it’s coincidence, bad luck or good luck, a sign or an omen. All I can say is that accidents do happen and it’s called an accident because nobody wanted this to happen. 

“I slipped cause my rubber shoes broke and I face planted,” saad ni Agassi sa Instagram.

Ayon kay Agassi, nag-eehersiyo lamang siya nang mangyari ang aksidente na hindi nito inasahan. Ang aksidenteng ito ng aktor ay nagdulot ng ilang tahi sa kanyang kilay at gums na tatanggalin sa araw bago ang kanyang kaarawan.

Isa umanong ‘traumatic experience’ para kay Agassi ang nangyaring ito sa kanya ngunit, ipinagpapasalamat nito na maayos na ang kanyang kondisyon. Kasabay nito ay ang pagpapasalamat niya rin sa mga doktor at nars na umalalay sa kanya sa ospital.

“Thanks my love @sarinayamamoto for being an angel and coming with me to the emergency rm and not showing me that you were crying. Thank you Lord I was still conscious to drive to the hospital. 


“Turning 41 this December 12 and will be back on December 11 to have my 6 stitches on my eyebrows and 4 stitches on my gums removed. Thanks to the emergency rm doctors and nurses for taking good care of me. What a learing traumatic experience…


“I was just walking and smiling in our house gym and next thing I know is that I’m lying on the floor. When I look at the mirror I couldn’t see my face but felt and tasted blood. Stay safe, healthy, and happy. Never take the simple things in life for granted. Never felt so alive,” dagdag ani pa nito.

Maliban kay Agassi, ang aktres na si Nikki Valdez ay ibinahagi din sa parehong araw, ika-7 ng Disyembre, na ito rin ay isinugod sa ospital dahil din sa isang aksidente. Ngunit, hindi gaya ni Agassi ay hindi nito idinetalye ang buong nangyari.

“Today, I came home with a grateful heart. Much worse could have happened but here I am alive and in one piece (may kamay na bakal lang nga, but all good!!). It may take time for a full recovery but I will be diligent in doing everything to feel better,” ani pa ni Valdez.

Ayon sa aktres, mula nang mangyari ang aksidente nito ay nalungkot ito ng lubusan ngunit, dahil sa mga taong nagpadala sa kanyang ng mga mensahe gaya ng kanyang mga kaibigan, pamilya, at co-stars sa Bagong Umaga ay lumakas ang kanyang loob.

“Thank you to everyone who reached out and sent get well soon messages and encouragement. I must admit, I have been feeling down since the accident happened. The last thing I want is maging pabigat sa mga taong nakapaligid sa akin kaya ang sama ng loob ko sa nangyari. 


“Kaya thank you sa inyong lahat na nagparamdam ng malasakit,” pahayag pa ni Valdez.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment