Sampung taon at ilang milyon ang iginugol ng holticulturist na si Boyet Ganigan upang mabuo at maalagaan ang kanyang succulent hybrid na Sansevieria BG Regale Hybrid sa nursery nito sa Bulacan. Kaya naman, ang manakaw ito ay napakasakit at isang malaking kawalan hindi lamang sa kanya kundi maging sa plant industry ng bansa.
“Tandem kami, eh… BG helped raise the level of the Philippine plant industry. When collectors saw it, they almost couldn’t believe that a plant such as this was created only here,” pagbabahagi pa nito.
Kaya naman, kung sakaling ibalik sa kanila ang naturang halaman, makakaasa umano ang mga ito na hindi sila magdedemanda dahil ang mahalaga ay maisauli lamang sa kanila ang Sansevieria BG Regale.
“It’s not about money, it’s not about anything else. Ang importante ay ‘yung plant ay nasa amin. If they return the plant, no questions asked. They can feel secure that we wouldn’t press charges,” ani pa ni Ganigan.
Ang succulent hybrid na Sansevieria BG Regale Hybrid ay napakamahal sapagkat sampung taon ang itinagal upang magawa ito sa pamamagitan ng mutation breeding at pag-eexpose sa iba’t-ibang kemikal at sa radiation.
Bagama’t nakagawa at nakabenta na rin si Ganigan ng dalawang katulad nito mula kay BG, iba ang ninakaw na succulent dahil ito ang orihinal at naniniwala si Ganigan na kailangan nitong manatili sa Pilipinas.
Hindi lamang halaman ang turing niya kay BG kundi anak na rin dahil sa oras at halaga na iginugol niya sa paggawa at pag-aalaga nito. Magkasama nilang inikot ang bansa para sa mga exhibit kung saan lubos na hinangaan ang halaman.
Sa unang beses na naipakita ito sa isang exhibit, nasa Php1M agad ang ipinatong na presyo rito. Ngunit, patuloy itong tumaas nang tumaas hanggang sa umabot ng Php10M ang natanggap na offer ni Ganigan para kay BG.
Ngunit, tinanggihan itong lahat ng holticulturist dahil sa paninindigan na dapat manatili sa bansa ang espesyal at orihinal na Sansevieria BG Regale Hybrid.
“It took a lot of effort and knowhow. Imagine, you’re altering the cells of a living thing… Iba ang trademark ni BG, mas marami siyang color.
“There have only been two plants of BG regale released from the nursery—one to a local collector and one abroad. So if there are any other BG regales that would find its way on the market, it’s from the STOLEN PLANT,” saad pa ulit nito.
Ngunit, kung sakaling hindi maibalik sa kanila ang halaman, nais na lamang ni Ganigan na alagaan ng sinuman na nagnakaw nito si BG. Pagbabahagi pa nito,
“When they informed me of the theft, at first I felt nothing, but when reality sank in, it really hurt. How many years kasi kasama ko siya…
“Yung attachment ko kay BG, malaki. It feels like a part of me has disappeared. If the thieves don’t want to return the plant, huwag lang nilang sasaktan yung halaman, wag nilang pababayaan.
“Sana wag nilang itapon kasi sayang, mahirap mag-create ng ganoon. Maybe ibigay nila sa mga tao who know how to take care of it para maalagaan kung nahihiya sila to come out in the open or return it.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment