Saturday, December 19, 2020

Engagement Ring ni Jessy Mendiola, Milyon-milyon Umano ang Halaga!


Matapos ianunsyo nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang engagement, marami ang namangha sa ganda ng engagement ring na ibinigay ni Luis sa fiance nito.

Ayon sa ulat, nasa Php5 milyon lang naman umano ang presyo ng eleganteng singsing na ito. Ang diamond ring na ito ni Jessy ay may laki na 3 hanggang 4 carats at color D. Base sa ibinahaging Instagram post ng aktres, ang Manila Diamond Studio ang gumawa nito.

Sabado, ika-12 ng Disyembre ng ianunsyo nina Jessy at Luis ang kanilang engagement. Ngunit, isang araw lamang matapos nito, nabahiran na agad ng kontrobersiya ang kanilang engagement partikular na ang engagement ring ni Jessy dahil sa inilabas na pahayag ng Radiant Lux Jewelry.

Sa isang IG post, ayon sa kompanya ay ito umano ng orihinal na gumawa ng diamond ring ni Jessy na ipinagawa sa kanila ni Luis. Kaya naman, ikinadismaya daw nito na hindi sila binigyan ng ‘credit’ bilang orihinal na nagdisenyo ng singsing.

“It is unfortunate that a company would insinuate a work for something they did not do. We feel the need to inform the public that this is our work. We are the original creators of the engagement ring of Jessy Mendiola and Luis Manzano. 

“In our opinion taking credit for something they did not do is detrimental to the industry that have ring makers who put their heart and soul to their pieces. Such a post or announcement is very misleading and unethical,” ani pa tungkol dito ng Radiant Lux Jewelry.


Bilang sagot, agad naman na nag-iwan ng komento si Luis sa pahayag na ito ng naturang kompanya. Ayon sa TV host, ang suot na singsing ni Jessy ay mula sa disenyo mismo ng aktres at ng Manila Diamond Studio.

Ngunit, bagama’t iniba nila ang setting ng singsing ay una itong ginawa ng Radiant Lux Jewelry. Matapos itong ipareset ni Luis at Jessy, ang diamond ring na suot ng aktres ay collaboration na nito sa Manila Diamond Studio.


“So, the final design on Jessy’s finger was from her own design and @maniladiamondstudio, not the one made by Radiant. 

“While Radiant did help us procure the main stone, we had a completely different setting, add ons, and design made thru @maniladiamondstudio, so yes, the design Jessy is wearing right now is from her own design and @maniladiamondstudio,” paliwanag pa nga ni Luis.

Ayon sa ulat, nang unang ipagawa ni Luis ang singsing sa Radiant Lux Jewelry, umabot sa Php3.2 milyon ang kanyang nagastos. Noong muli naman nila itong ipa-reset sa Manila Diamond Studio, mahigit sa Php1 milyon naman ang nagastos ulit nito.

Kaya naman, sa kabuuan ay umabot sa Php5 milyon lang naman ang halaga ng engagement ring na bigay ni Luis kay Jessy.

Base sa ibinahaging vlog ng aktres, isang pangyayari ang naging daghilan kung bakit sila nagdesisyon ni Luis na i-reset at ibahin ang disenyo ng kanyang diamond ring. Bukod sa inunahan umano ng isang tao mula sa Radiant Lux Jewelry si Luis sa pagbabahagi ng singsing kay Jessy, mayroon din umano itong kasalanan sa aktres.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment