Saturday, December 19, 2020

Isang Vlogger, Sinabing ‘Pabayang Ina’ Umano si Viy Cortez Kaya Nakunan!

Ikinalungkot ng marami lalong lalo na ng mga tagasuporta ng Team Payaman ang malungkot na anunsyong ibinahagi ni Viy Cortez nito lamang Sabado, ika-19 ng Disyembre.

Sa isang vlog, emosyonal na ibinahagi ni Viy na magkakaanak na sila ng boyfriend niyang si Cong TV ngunit, ilang araw lamang matapos nilang malaman ang magandang balita, nakunan ito at nawala ang ipinagbubuntis ng vlogger.

“Nung December 12, nalaman namin ni Cong, nalaman ko muna na buntis ako. Tapos pinakita ko rin kay Cong, sobrang saya niya na nalaman niya na buntis ako. Tapos nagpa-check up kami, nalaman ko na six weeks pregnant na ako nung December 12… 

“Kahapon nakunan ako. At ngayong araw na-confirm na wala na talaga. Nakunan pala talaga ako kahapon nung dinugo ako… Sobrang saglit lang, pero sa saglit na ‘yun sobrang dami naming plano ni Cong,

“Gusto kong makilala niyo siya kahit ganon kasaglit… Dumating siya, blessing siya ni Lord, pero siguro ganon talaga. Baka hindi pa tamang oras, baka may tamang oras. Dadating din yung tamang oras,” pagbabahagi pa ni Viy.

Agad naman na bumuhos ang simpatya ng publiko para kina Viy at Cong na ikinalungkot din ang pagkawala ng ipinagbubuntis ng vlogger. 

Ngunit, sa kabila ng mga ito ay mayroong isang vlogger na animo’y sinisi si Viy kung bakit umano ito nakunan. Ito ay ang vlogger na si Jerry Bensing. Sa kanyang inilabas na vlog, tinawag nito si Viy na isa umanong ‘pabayang ina.’

Mabibigat ang naging opinyon nito tungkol sa mga ginawa raw ni Viy habang nagbubuntis. Maliban sa pagiging pabaya ay isinaad pa nito na mukhang wala umanong pakialam ang vlogger sa pagbubuntis nito.

“Sa mga sandaling ‘yon is ang Team Payaman is sobrang hype na hype sa kanilang bahay. Si Viy Cortez is walang paki… walang paki sa kanilang anak or something na parang hindi siya buntis…

“I don’t know guys ha parang… parang curious lang ako. I always watching her vlog, parang ang dami niyang ginawa na hindi dapat gawin sa isang buntis. Iyon lang guys,” ani pa nito.

“Nakakaloka kasi is, buntis ka pero ba’t para kang tanga… or something na, I don’t know guys ha di nalang ako magsasalita ng marami but, iyong nakita ko kasi… grabe!” dagdag saad pa ng naturang Jerry.

Ang mas malala pa dito ay maging si Cong ay sinama din nito sa kanyang pahayag. Ayon sa naturang Jerry, hindi na raw naawa si Viy kay Cong na palaging pagod at sana raw ay nagpahinga na lamang ito.

Dagdag ani pa nito, ang pagiging ‘hype’ umano ni Viy ang sa tingin niya ay dahilan kung bakit nakunan ang vlogger. 

Hindi naman ikinatuwa ng marami ang mga pahayag na ito ng nasabing Jerry kaya umani ito ng mga pambabatikos mula sa mga netizen. Ani ng mga ito, wala umanong karapatan si Jerry na husgahan si Viy at kwestyunin ito sa pagiging ina. 

Wala umano itong karapatan na sabihan ang vlogger na ‘pabaya’ dahil bukod sa masakit para sa isang magulang ang mawalan ng anak, wala umano itong sapat na pruweba para ibato ang naturang mga salita para kay Viy.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment