Iba ang kaso ngayon ng sundalong ito na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil imbes na ito ang ireklamo kagaya ng kadalasang nangyayari, ang sundalo ngayon ang siyang nanghihingi ng tulong sa programa.
Ayon kay Pvt. Alfredo Ariego, nais niya raw mabawi ang kanyang ATM card na tinatago o nasa kanyang ex-grlfriend. Tinatago umano nito ang kanyang ATM card bilang pambayad daw sa mga utang niya rito ngunit, wala naman umano siyang utang sa dating nobya.
Ngunit, paggigiit ng ex-girlfriend nitong si Jonna Mari Robles, ang ATM card umano ni Ariego ang bayad nito sa lahat ng sakit na dinulot sa kanya ng sundalo.
“Sinubukan kita kung ano talaga ‘yung ugali mo. O, lumabas! Eh, pano kung pinakasalan kita edi sising-sisi ako sa buong buhay ko? Hindi pa nga tayo kasal, tinatanggalan mo ako ng karapatan sa ATM ko,” ani pa rito ni Ariego.
Dagdag ani pa ng sundalo, wala na umano silang pag-asa na magkabalikan pa at gusto niya na lamang na maibalik sa kanya ang ATM card nito. Sagot naman dito ni Robles,
“Eh paano kita susumbatan sa ginawa mong sakit sa akin ha? Sige nga?”
Tanong naman dito ni Tulfo, nabibili pala umano ang sama ng loob na siya namang sinang-ayunan ni Robles. Sumang-ayon din ito nang tanungin siya ni Tulfo kung pera-pera na lamang pala umano ang lahat.
Dagdag paliwanag naman ng babae, gumastos umano siya dati ng malaki kay Ariego dahil sa kanya ito tumira bago pa ito maging sundalo. Habang nasa malayo, mayroon umanong babae na nakilala si Ariego at nabuntis pa umano ito.
Paglilinaw naman ni Ariego, hindi umano ito totoo. Wala itong relasyon sa naturang babae at hindi rin ito buntis. Sinabi lamang umano ng sundalo na mayroon silang relasyon dahil ito lamang ang paraan upang hiwalayan niya na si Robles. Natuklasan niya na raw kasi ang totoo nitong ugali sa pagkuha nito sa kanyang ATM card.
Sa bandang huli, ayon kay Robles ay payag na itong isauli sa sundalo ang ATM card nito ngunit, kailangan pa rin nitong bayaran ang sama raw ng loob na idinulot nito sa kanya. Paggigiit nito, pera rin naman umano ang ginastos niya dati kay Ariego.
“Sana, sir, ibigay niya rin sa akin ‘yung mga pinaghirapan ko din sa kanya. Sa kanya nalang po,‘yung pera nalang po ‘yung ibabayad niya sa’kin. Iyon nalang po, sir. Bahala na po siya kung magkano ibibigay niya sa akin, kung alam niya kung magkano ‘yung ginastos ko sa kanya,” ani pa ulit ni Robles.
Sagot naman dito ni Ariego, paano niya pa umano mababayaran ang dating nobya kung nasimot na umano nito lahat ng lamang pera ng kanyang ATM card. Nag-aalala umano ito na hindi na siya makapagpadala sa kanyang magulang lalo na’t mayroon pa itong pinapagawang bahay para sa mga ito.
Sa huli ay sumang-ayon na rin si Robles na makipag-uganayan sa programa at maisauli sa dating nobyo ang ATM card nito.
Panoorin dito ang episode ng naturang reklamo ni Ariego at kayo na ang humusga:
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment