Kamakailan lang ay naging guest ang aktres na si Heaven Peralejo sa morning show na ‘Magandang Buhay’. Dito ay napag-usapan nila ang ilan sa mga pagsubok na pinagdaanan dati ni Heaven kabilang na ang isyu na kinasangkutan nito dati at ng pamilya Pacquiao.
Kung matatandaan, si Heaven ay naging girlfriend ng panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Ngunit, kahit maayos na naghiwalay ang dalawa ay hindi tinantanan ng kontrobersiya ang aktres.
Noong Setyembre, kumalat ang isyu na tumanggap umano ng ‘ayuda’ si Heaven mula sa pamilya Pacquiao na agad naman nitong itinanggi. Ngunit, kumalat pa rin ang isyu matapos na maging paksa ito ng ilang mga pahayagan.
Sa nasabing panayam nito sa ‘Magandang Buhay’, aminado si Heaven na nasaktan ito sa mga ibinato sa kanyang pambabatikos dahil sa naturang isyu na wala namang katotohanan. Kaya naman, malaki ang pasasalamat nito sa pamilya Pacquiao nang tumulong ang mga ito na linawing hindi totoo ang nasabing isyu.
“At that time po kasi sobrang alam niyo po 'yung sumabog na po ako. Hindi ko na kaya na ganoon ang perspective sa akin ng mga tao kasi hindi naman totoo and nasasaktan 'yung mom ko
“For me, mas masakit makita 'yung mom mo na nasasaktan. Nakita ko talaga siya noon. So sabi ko, 'Lord, please naman… tulungan niyo ako kasi hindi ko na alam,'” pagbabahagi pa ni Heaven tungkol dito.
Ayon sa aktres, si Jinkee mismo ang nag-reach out sa kanya para tulungan siya na linawin ang isyu sa publiko. Maging ang ex-boyfriend na si Jimuel ay tinulungan din ang aktres. Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Heaven para sa mga ito.
“Siyempre, although we ended in good terms kami ni Jim, of course, wala na po kaming communication sa isa't isa po. Then sumakto lang din na, alam mo 'yung 'Heaven, how are you, how are young doing?’
“Si Tita rin, nag-reach out din siya. Sabi niya, 'What can I do for you?' Kasi sabi ko, 'Tita, nahihirapan na ang mom ko, nasasaktan ako para sa nanay ko.' Tapos sabi niya, 'Sige. Tutulungan kita.' Sabi niya, 'Hindi naman totoo 'yan eh.' So nagsalita siya, silang pamilya, si Jim and si Tita Jinkee…
“Sabi ko, 'Tita, thank you so much kasi… finally, alam niyo parang nawala 'yung bigat sa loob ko na feeling ko fresh start ulit.' Sobrang grateful ako sa kanila, sa mom ko, and sa ABS-CBN for protecting me,” kwento pa ni Heaven.
Kung matatandaan, sa kasagsagan ng naturang isyu ay naglabas ng pahayag si Jinkee sa social media kung saan, ipinagtanggol nito si Heaven mula sa mga bashers at nilinaw na hindi totoo ang isyu nang paghingi umano nito sa kanila ng Php100k.
“Gusto ko lang pong sabihin sa lahat about sa issue na lumalabas na nanghingi raw si Heaven ng pera sa amin ay ‘Hindi po totoo!’ Hindi po siya nanghingi at wala po kaming ibinigay na pera. Tigilan na po ang pambabash sa kanila na wala pong katotohanan…,” saad pa nga dati ni Jinkee tungkol dito.
Source: ABS CBN
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment