Wednesday, December 2, 2020

Mikee Morada, May Isang Bagay na Nais Baguhin sa Fiance na si Alex Gonzaga

Sa isa sa pinakabagong vlog na ibinahagi kamakailan lang ni Toni Gonzaga, naging guest nito ang fiance ng kanyang kapatid na si Mikee Morada. Dito ay nakapag-usap ang dalawa tungkol sa iba’t-ibang mga bagay kabilang na rin ang relasyon nina Mikee at Alex Gonzaga.

Una ditong naikwento ni Mikee ang kanyang kabataan kung saan, naibahagi ni Mikee na bagama’t isa itong consistent honor student ay minsan din itong sinuspinde sa paaralan.

Madalas din daw itong maglaro kaya minsan ay nagpapaiwan ito sa bansa sa tuwing umaalis ang kanyang pamilya.

“Simula six years old pa lang, naglalaro ako sa park buong araw. My whole life growing up, I was always part of a team tapos competitive.

“Yun ang mga favorite memories ko talaga. Imbes na sumama ako sa family ko mag-abroad, nagpapaiwan ako kasi may liga kami…,” pagbabahagi pa ni Mikee.

Natatawang pagkukwento pa nito nang minsang masuspinde siya sa paaralan,

“Sa sobrang close ko sa mga teachers ko, medyo napasobra naman, may one time, yung diary di ba sina-sign dapat ng parents. Sabi ko sa teacher, ‘Sir ako lang naman ang nagsa-sign ng diary ko.’ Umalis siya, pagbalik niya, may suspension letter, one day lang naman yun.”

Tungkol naman sa relasyon nito sa kapatid ni Toni, ayon kay Mikee ay dalawa lamang umano ang naging girlfriend nito dati bago pa maging karelasyon si Alex. Kung bakit, ayon kasi kay Mikee ay iniisip niya na palagi ang kasal sa tuwing naggi-girlfriend ito.

“Dalawa lang [ang naging girlfriend ko before si Alex]. Kapag kasi maggi-girlfriend ako, to marry na. Iniisip ko lagi tuwing mag-girlfriend ako, ito na yung papakasalan ko pero hindi siya nangyayari,” saad pa ni Mikee.

Inusisa rin dito ni Toni si Mikee tungkol sa kung ano ang nagustuhan niya sa kapatid. Ani ni Mikee, ang pagiging masiyahin ni Alex ang isa sa pinaka nagustuhan niya rito. Dagdag niya pa, bagama’t magkaiba sila ng personality ay pinu-push daw siya palagi ni Alex para maging ‘best version of himself’.

Pagbabahagi pa ulit ng fiance ni Alex tungkol dito,

“Napapanood ko siya tapos minsan, nadadaanan ko ‘yung Instagram niya. Kaya siguro gumaan din yung pakiramdam ko sa kanya kasi mahiyain ako eh. Hindi ko matatantsa.

So, buti na lang ganun siya, kasi kung hindi, baka hindi ko matuloy yung panliligaw. Buti na lang ganu’n siyang tao.”

Dito, naitanong din ni Toni kung ano raw ‘yung isang bagay na gustong baguhin ni Mikee kay Alex. Sagot naman nito,

“Siguro yung pagiging ano niya sa time… Kunyari meron pala siyang trabaho the next day, papupuntahin ka niya pero kailangan pala niya matulog ng maaga. ‘Bakit mo pa ako pinapunta?’ Yun lang. Kulang lang sa details minsan.”

Noong nakaraang buwan lamang ay ipinagdiwang nina Alex at Mikee ang kanilang ika-apat na taon bilang magkarelasyon. 

Disyembre naman noong nakaraang taon nang mag-propose dito si Mikee sa Hongkong trip ng mga ito kasama ang pamilya ni Alex. Ang engagement nilang ito ay ibinahagi ni Alex sa kanyang vlog noong Enero.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment