Noon pa man ay bukas na ang beteranong talent manager na si Ogie Diaz sa pagkumbinsi nito sa komedyanteng si Vice Ganda na magkaroon ng anak.
Kaya naman, masaya nitong ibinahagi kamakailan lang na pumayag na umano si Vice na magkaroon ng anak. Ibinahagi niya ang tungkol dito sa kanyang vlog at online show na ‘I Chika Mo Na Dali’. Dito, naibahagi ni Ogie ang kanilang naging pag-uusap ng It’s Showtime host.
“Ito nga ka-text ko si Vice. Sabi ko, 'Vice, karerin natin 'yung ano mo.' 'Yung magkaroon siya ng anak… Siyempre may kilala akong doktor na ganoon, kaya hinihimok ko si Vice. Sabi ko mag-ano ka… ikalat natin ‘yung lahi mo. Si Vice kasi matalino, grabe ang sense of humor, hindi ba? Mag-extend man lang ‘yun sa kanyang anak…
“Sabi sa akin ni Vice, 'Sige, karerin natin 'yan’,” pagbabahagi pa ni Ogie.
Ayon kay Ogie, masayang-masaya ito para sa naging desisyon ng kaibigan at excited na ito para kay Vice. Sa naturang vlog ay ibinahagi niya rin kung paano ang magiging proseso at na sasamahan niya rito ng komedyante.
“Excited talaga ako for Vice talaga. Sasamahan ko siya kasi, kilala ko yung Doctor sa ano… sa infertility. May kilala akong Doctor sa ganun na ima-match mo lang yung ano, yung kaninong egg na ima-match sa sperm ni Vice. So, mamimili ka roon. Sa Thailand ata ginagawa yun…
“Mayroon mukha, tapos nakalagay doon lawyer, 'yung isa naman engineer, 'yung isa naman doktor. Mga ganoon. Tapos (iko-combine) mo pa sa utak ni Vice, eh 'di bongga ang bata, di ba? Oh 'di ba mas masarap pa ring makakita ng younger version ni Vice…
“Basta abangan natin 'yan kung totohanin ni Vice sinabi niya sa akin. ” pagbabahagi pa ni Ogie.
Sa bandang dulo ng vlog ay humingi naman ng tawad si Ogie dahil mas nauna pa umano ito na ihayag sa publiko ang naturang plano ni Vice. Sobrang natuwa at na-excite lang talaga umano ito para sa kaibigan. Ani pa nito,
“Eh 'yung nauna pa ako. 'Di ba mahadera ako, ako pa ang nagsabi dito. Baka biglang sasabihin sa akin, 'Ikaw inuna mo na ibalita sa iyo, 'i pa nga natutuloy tayo.'
“Pasensiya ka na, Vice. Na-excite lang ako for you. Hayaan mo sa susunod, iyo na 'yon. Moment mo na 'yon. Ibibigay ko sa iyo 'yon. 'Yung excitement ko na… tatay kasi ako. Gusto ko siya maging tatay para mag-iba rin yung perspective niya in life sa tulong ng anak niya.”
Kung matatandaan, minsan na ring ibinahagi ni Ogie ang pagkumbinsi niya kay Vice tungkol dito ngunit, mayroon pang pag-aalinlangan ang komedyante sa naturang ideya ng pagkakaroon niya ng anak.
Ayon dati kay Vice, bukod sa ayaw niyang maging sentro at makatanggap ng pambu-bully ang kanyang anak, ayaw niya rin umanong magkaanak para lamang mayroong mag-alaga sa kanya o obligahin ito na alagaan siya.
Para naman kay Ogie, kinukumbinsi niya si Vice dahil bilang tatay, alam nito na malaki ang magiging epekto kay Vice ng pagiging magulang at maiiba nito ang kanyang pananaw sa buhay.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment