Viral na naman ang umano’y vlogger na si Buknoy matapos itong tumangap ng pambabatikos dahil sa isa nitong TikTok video na kinunan sa gitna ng kalsada.
Sa naturang TikTok video, makikita ang pagsasayaw ng vlogger sa gitna ng kalsada at nagpamalas pa ng animo’y fashion show na rampa sa bandang huli nito. Ayon sa ulat, ang naturang video ay kinunan umano sa tollgate habang naiipit ang sasakyan nito sa trapiko.
Gaya ng mga nauna nitong kontrobersiya, tumanggap na naman ng mga pambabatikos dahil dito si Buknoy mula sa mga netizen na hindi nagustuhan ang ginawa nito sa gitna pa mismo ng kalsada.
Ani pa nga ng ilan sa mga ito, hindi na raw sila nagulat sa panibagong isyu na naman ng umano’y vlogger dahil mukhang sinasadya na umano nito ang mga pagkakamali at pagiging pasaway para pag-usapan ng publiko.
Gayunpaman, ang paulit-ulit na pambabash kay Buknoy sa nakaraan ay hindi dahilan para hindi ito makatanggap ng pambabatikos at hindi ito makatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga netizen. Karamihan sa mga ito ay iginigiit na mabigyan ng parusa si Buknoy dahil isang paglabag sa batas trapiko ang ginawa nito.
Kaugnay nito, heto pa ang ilan sa mga ibinahaging pahayag sa social media tungkol sa kontrobersyal na TikTok video na ito ni Buknoy:
“Pag di niyo binigyan ng penalty ‘yan, madaming gagaya diyan.”
“Gumawa na ng unang pagkakamali, ngayon gumawa ka ulit? tas pag binash iiyak? influencer tapos papakita ka ng pagbaba sa tollgate? kahit na trapik, di parin maganda ‘yan, hays.”
“Though it’s a challenge but we should put it in the right place. nakakatawa naman siya pero nawawalan ka na ng self respect. This is just a sort of advice lang naman, Buknoy.”
“Naku, di na natuto. Wala talagang pinipiling lugar. Pati ba naman diyan? Bad influencer. Madami ang nanonood sayong bata.”
“Ang hirap ‘pag gustong-gusto mong sumikat. Kahit nakakahiya na at halos katanga-tanga ka na, ggawin mo pa din kasi iyon ang kelangan. Sana di ka nagsisisi ghorl.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ng publiko si Buknoy. Hindi pa rin nakakalimutan ng marami ang minsan nitong ginawang panlalait at pangmamaliit sa mga tricycle driver na tinawag lang naman nitong mga ‘walang mararating’.
Tumatak sa mga netizen ang pahayag na ito ni Buknoy na naging dahilan ng kabi-kabilang pambabatikos dito. Marami ang umalma sa kanyang pahayag lalo na ang mga anak ng mga tricycle driver na pinatunayang mayroon silang narating dahil sa pagsisikap ng kanilang mga ama.
Maliban sa kontrobersiyang ito, muli din itong binatikos dahil sa isa na naman nitong video kung saan, makikita si Buknoy nasa labas habang gabi at walang suot na face mask o face shield. Dito ay makikita na nasa gitna ng kalsada ang umano’y vlogger at mayroong mga kasama.
Dahil menor de edad, isang malinaw na paglabag ang ginawang ito ni Buknoy habang ipinapatupad ag curfew. Maliban pa ito sa hindi nito pagsusuot ng face mask kaya kabi-kabila na naman ang natanggap nitong mga pambabatikos o pambabash.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment