Maliban sa paglilinaw sa tunay na relasyon ngayon ng vlogger na si Zeinab Harake at ni Skusta Clee, isang rebelasyon din ang inihayag ng dalawa sa panibagong vlog na ibinahagi ni Zeinab.
Dito ay emosyonal na inihayag ng vlogger ang nararamdamang saya sa kanyang pagbubuntis sa anak nila ni Skusta o Daryl Ruiz. Kinumpirma niya rito ang kanyang pagbubuntis na nalaman ni Zeinab noon pang Oktubre. Bago ito, nilinaw muna ni Zeinab na tuluyan na silang nagkabalikan ng rapper.
“Me and Daryl are together again since July nung namatay si Athena… Iyon ‘yung start nung naging kami uli. Actually, andaming beses na nagkabalikan kami na hindi ko na nilalabas sa public kasi ayoko na rin ng maraming satsat or mahusgahan. Since July naging okay kami. July, August, September, October...
“October 6 ko nalaman na preggy ako…,” naiiyak pang ani ni Zeinab.
Ayon kay Zeinab, hindi nito intensyon na maiyak o maging emosyonal dahil ayaw na nitong ma-stress para na rin sa kanyang anak. Ngunit, hindi nito napigilan ang emosyon maging ng mga taong kasama din nito habang ishino-shoot ang vlog.
Naibahagi din dito ni Zeinab ang dahilan kung bakit hindi muna nito ibinahagi sa publiko ang pagbubuntis. Ayon kay Zeinab, maliban sa inuna nila ang pagpapaalam sa kanilang pamilya, nakaranas din ito ng depresyon at kalituhan sa kung ano na ang susunod na mangyayari.
Maliban dito, iniwasan niya rin na ma-stress dahil sinabi ng doktor noong una na mababa ang kanyang baby.
“Gusto ko sabihin na hindi ito mistake. Hindi ito karma. Blessing ‘to galing kay God. And ito ‘yung pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong birthday ko.
“Sa 22 years na nabubuhay ako, ngayon lang ako nakaramdam ng excitement, nag-eenjoy ako na sobrang saya ng puso ko. Parang tumatalon ‘yung puso ko. Pag naglo-look forward na ako kaagad sa mga mangyayari kasi, atleast, magkakaroon na ako ng sarili kong family na matatawag kong akin.
“Gumuho man ang mundo at kung anu’t ano man ang mangyari, mayroon na akong forever,” emosyonal pang pahayag ni Zeinab.
Higit sa lahat, kahit hindi nito kailangang ipaliwanag ang sarili ay humingi ng tawad si Zeinab sa lahat ng tao na na-disappoint umano sa kanya. Ayon sa vlogger, aminado ito sa mga sinasabi sa kanya na pagiging marupok ngunit, sana raw ay maging masaya na lamang ang mga ito sa kanya at sa kanila ni Skusta.
Para naman sa rapper, aminado rin ito sa lahat ng pagkakamali na nagawa niya noon ngunit, sinisikap na nito ngayon na magbago at maging mabuti. Hindi naman umano ibibigay sa kanila ang kanilang anak kung hindi sila tunay na masaya ni Zeinab.
“Simula noong nalaman kong buntis si Zeib, nagbago ‘yung takbo ng buhay ko. Sobrang na-appreciate ko lahat, ‘yung mga maliliit na bagay na kailangan kong pahalagahan. ‘Yung feelings niya… ‘yung mga nasayang ko dati…
“Minsan ‘pag dalawa lang kami dito sa kwarto, nag-uusap kami. Sabi niya, ‘Maghihiwalay pa kaya tayo?’. Sabi ko, ‘Mag-aaway tayo pero pilitin natin na huwag maghiwalay.’,” pagbabahagi pa ni Skusta.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment