Sa isa mga vlog na ibinahagi kamakailan lang ni Aiko Melendez, isang pangyayari sa taping o behind the scenes ng GMA afternoon prime series na Prima Donnas ang nakunan nito. Dito, nakunan umano ng vlog ni Aiko ang pagkahimatay ng isa sa mga bida ng programa na si Jillian Ward.
Habang nagva-vlog, napansin ni Aiko na hindi maganda ang pakiramdam ng young actress na inakala pa nga ng mga kasamahan nito na prank lamang.
Dito ay paulit-ulit na tinanong ni Aiko ang kalagayan ni Jillian matapos nitong mahilo at kalaunan ay magsuka sa set ng programa. Dahilan naman ito upang pansamantalang matigil ang kanilang taping.
“Si Jillian nahihilo, oh,” pagkakapansin pa nga ni Aiko kay Jillian.
“Paanuhin n'yo si Jillian, painumin n'yo ng tubig…. Jillian okay ka lang? Jill?” nag-aalala pa uling ani ni Aiko bago magsuka ang aktres.
Ngunit, hindi agad naniwala kina Aiko at Jillian ang ilang mga co-stars nito sa Primma Donnas. Ani pa nga rito ni James Blanco, pina-prank lamang umano sila ni Jillian.
Gayunpaman, kalaunan ay linapitan na rin ng mga ito si Jillian sa isang sofa kung saan nagpapahinga muna ang aktres matapos mahilo. Maliban kay James ay lumapit din kasama nito si Wendell Ramos.
Mababakas naman ang pag-alala nina Althea Ablan at Elijah Alejo para kay Jillian na hindi talaga umalis sa tabi ng aktres.
“Malamig, 'di ba? I told you. Akala n'yo prank,” dagdag pa nga ni Aiko para kina James.
Dahil sa kondisyon ni Jillian ay iminungkahi ni Aiko na tawagan daw ng mga ito ang mommy ng young actress. Agad naman na tumawag ang mga co-stars at kaibigan nito sa nanay ni Jillian.
“'Yung mommy niya, 'yung mommy niya. Uy, tawagan n'yo 'yung mommy niya… Malamig 'yung kamay niya,” ani pa ulit ni Aiko.
Hanggang sa tuluyan na ngang naantala ang taping ng Primma Donna nang maging ang direktor nila na si Gina Alajar ay nilapitan na rin si Jillian upang alamin ang kalagayan nito.
Mukhang hindi pa rin bumuti ang kondisyon nito kaya lumapit na ang naka-standby na medic sa taping at kinunan si Jillian ng blood pressure. Ngunit, nagpanic ang mga tao roon ng biglang tumayo si Jillian at umiyak.
Hanggang sa bigla na lamang himatayin si Jillian na siyang nagbunsod para buhatin ito nina Wendell at James upang dalhin na sana sa ospital.
Ngunit, kung kailan nagpapanic na ang lahat at paniwalang-paniwala na sa nangyayari kay Jillian ay bigla na lamang itong sumigaw ng ‘It’s a prank!’.
Kaya naman, nagulat man ay natawa na lamang din ang mga tao sa taping kahit na kinabahan sa akala nila ay masamang nangyayari kay Jillian.
Sa ngayon, ang vlog na ito ni Aiko ay umani na ng halos 1.5 million na views mula nang ibahagi ito ng aktres noon lamang December 1. Gaya ni Aiko ay pinuri rin ng mga netizen ang galing daw ng pag-arte ni Jillian sa nasabing prank kaya napaniwala ng mga ito ang mga tao sa set.
Maliban kina Aiko, Jillian, Wendell, James, Althea, at Elijah, kasama din sa drama series sina Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, at iba pa.
Panoorin ang buong kwento dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment