Panahon na naman ng kapaskuhan at panahon na rin ng tradisyon na pag-aabot ng mga ninong at ninang ng pamasko sa kanilang mga anak.
Ngunit, sa pagdaan ng panahon, minsan ay nakakalimutan na ng iilan na ang pagiging ninang at ninong ay hindi lamang nasusukat sa aguinaldo na maibibigay nito sa kanilang mga inaanak tuwing pasko.
Gaya na lamang ng ibinahagi ng netizen na ito tungkol sa ginawa nitong pagtanggi sa hinihinging pamasko sa kanya ng nanay ng kanyang inaanak. Dito, hindi biro ang hinihinging halaga ng naturang nanay para sa kanyang anak na inaanak ng naturang netizen.
Ayon sa naturang nanay, nais daw ng anak nito na sumama sa kanilang bakasyon sa labas ng bansa ngunit, para matupad ito ay kailangan daw na magbigay ng pamaskong Php15,000 ang netizen sa inaanak nito.
Dagdag ani pa nito sa netizen, minsan lang naman umano humingi ang inaanak nito sa kanya kaya ipinilit nito na ibigay ng netizen ang naturang halaga bilang pamasko sa kanyang anak.
Ngunit, dahil sa laki ng halagang ito at dahil na rin sa pandemya, maayos na tinanggihan ng naturang netizen ang nanay ng kanyang inaanak. Ayon sa netizen, aabutan niya na lamang umano ng isang libo ang kanyang inaanak sa pasko dahil sa ngayon ay ito lamang ang kanyang kaya.
Humingi pa ito rito ng tawad dahil hindi niya pa kaya ngayong ibigay ang hinihinging halaga ng pamasko ng inaanak. Ngunit, hindi ikinatuwa ng naturang nanay ang pagtangging ginawa ng netizen.
Dahil lamang sa pagtanggi nitong magbigay ng pamaskong Php15,000 ay agad nitong tinawag na ‘walang silbi’ ang ninang ng anak. Saad pa nito,
“Wala ka palang silbing ninang eh pag need ng inaanak mo ng tulong, wala mapapala sayo. Sayo na ‘yang 1k mo, pang-almusal lang ni Sab ‘yan. Salamat nalang.”
Hindi naman makapaniwala ang naturang netizen sa ginawang pagpe-pressure sa kanya ng nanay ng kanyang inaanak. Sa ibinahagi nitong Facebook post, inihayag nito ang naramdaman dahil sa sinabi sa kanya ng naturang nanay dahil lamang sa pagtanggi niya na gumastos para sa bakasyon ng inaanak.
Dito, inihayag niya na pinaghihirapan nito ang perang kinikita kaya hindi madali sa kanya ang maglabas na lamang nang ganun kalaking halaga para sa bakasyon ng inaanak. Saad pa nga nito, ni hindi niya nga raw magawang magbakasyon kahit sa loob lamang ng bansa.
“Sorry ha, hindi pala enough ‘yung 1k… Sab, anak pasensya ka na ha. Di naman sadya ng ninang na hindi ka makasama ng Hongkong dahil hindi ko maibigay ang 15k sa mama mo,” ani pa ng netizen.
Dagdag ani pa rito ng naturang netizen, hindi naman umano nasusukat ang diwa ng pasko base lamang sa laki ng pera o sa halaga ng regalo na natatanggap sa pasko kundi sa tunay na pagmamahal.
Ang Facebook post niyang ito ay agad naman na naging viral at pinag-usapan ng mga netizen. Gaya ng mga ito, hindi rin sila sang-ayon sa ginawang pamimilit at sa laki ng hinihinging pamasko ng naturang nanay sa ninang ng kanyang anak.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment