Saturday, December 12, 2020

Matteo Guidicelli, Nagsalita Na sa Totoong Ugali Ni Sarah Geronimo Simula Noong Ikinasal Sila

Masaya ang naging kwentuhan nina Matteo Guidicelli at KC Concepcion nang mag-guest kamakailan lang si Matteo sa Instagram Live program ni KC na Kitchen Collabs nito lamang Sabado, ika-21 ng Nobyembre.

Dito, napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa pagluluti kung saan, naibahagi pa ni Matteo ang pagluluto nito ng tuna pasta. Dahil dito kaya nabanggit ni Matteo ang tungkol sa umano’y ‘making love to the pasta’ na sekreto nito para sumarap ang kanyang luto.

Sa pagbanggit nito ni Matteo ay hindi na naiwasan na pag-usapan nila ni KC ang asawa niyang si Sarah Geronimo. Ayon kay Matteo, kailangan umano na sinasamahan ng pagmamahal ang pagluluto nito at hindi dapat na minamadali.

“For example, when I cook pasta for Sarah and nagmamadali ako, or kailangan ko nang gawin dahil gutom na siya or whatever, if I rush it, it’s not good, eh.

“So, you always have to put heart into it. It’s just like you’re making love to the pasta, kumbaga, you know what I mean?” pagbabahagi pa nga ni Matteo.

Dahil naman sa kwentong ito ng aktor kaya nakulit ito ni KC na magbahagi tungkol sa relasyon nito kay Sarah. Ayon kay Matteo, isa sa mga sekreto nang maayos nilang relasyon ay ang palagi niya raw na paghingi ng sorry sa misis kahit hindi niya naman kasalanan.

“One thing I learned about married life is that just say, ‘Sorry, Love. Sorry, kasalanan ko talaga.’ Kahit hindi mo kasalanan, sorry nang sorry, 'no? You just say sorry all the time,” ani pa nito.

Naibahagi din dito ni Matteo kung paano si Sarah bilang isang asawa. Inilarawan niya ito bilang isang napaka-sweet at maalagang misis. Saad niya pa nga,

“Sobrang sweet niyang si Sarah, e. Lahat talagang… she’s a very, very caring wife.” 

Tugkol naman sa sekreto ng kanilang matatag na relasyon, ang pagiging tapat umano nila sa isa’t-isa ang rason nito. Wala raw silang itinatago sa isa’t-isa at napakaimportante sa kanila ng ganitong ugali.

“What makes us strong is that we’re transparent. We’re very transparent… She’s very honest. We’re honest with each other. That’s very important. You cannot hide things from one another,” ani pa nito.

Pebrero nitong taon nang ikasal sina Matteo at Sarah sa isang pribadong seremonya. Sinekreto ng dalawa ang pagpapakasal nilang ito sa mga magulang ng singer kaya naging malaking usapan ang umano’y pagpunta roon ng nanay ni Sarah.

Ngunit, sa kabila ng nangyaring ito sa pagitan nila at ng pamilya ni Sarah, umaasa pa rin si Matteo na balang araw ay magkakaayos silang lahat. Pangarap pa rin umano nilang dalawa ni Sarah na ikasal kasama ang kanilang mga pamilya.

“I imagine that all the time. Not just for me, but obviously primarily for my wife and also my family… my parents. I believe our parents raised us up and worked so hard for us that one day, we could marry a woman or a man, and two families would combine. You know, having drinks together, pasta together. I think that’s our family’s dream. 

“So 'yun. One day, it will happen,” pagbabahagi pa ni Matteo.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment