Viral ngayon sa social media ang videong ito ng isang babae sa loob ng isang convenience store na animo’y nakainom at mayroong kaaway.
Sa naturang video, iginigiit ng babae na pag-aari niya raw ang naturang convenience store at hindi raw siya pinagbigyan ng mga staff nito sa kanyang gusto. Galit nitong pinagsalitaan ang mga staff at halata na naka-inom ang naturang babae sa video.
Ngunit, sa kabila nito ay kalmadong kinausap ng mga staff ang babae at sinabing ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho. Sa video, makikita rin na walang anumang suot na face mask o face shield ang naturang babae habang ang mga staff at iba pang tao sa convenience store ay may suot na mga face mask at face shield.
Ayon sa netizen na nagbahagi sa naturang video, bukod sa wala itong suot na face shield at face mask ay binastos din umano ng nasabing babae ang mga staff ng nasabing convenience store. Maliban dito ay sinabihan niya pa umano ang mga ito na mga ‘patay gutom’.
Kaya naman, hindi nito naiwasan na maawa sa mga staff na nasa video na sa kabila ng inabot nilang ito ay nagpakumbaba pa rin at tinanggap ang mga sinabi ng babae. Ani pa ng netizen tungkol dito,
“I feel sorry sa staff ng store. Di naman mabigat sa ating mamayan kung susundin natin ang pagsuot ng face shield at face mask… tapos kung bastusin at sabihang ‘patay gutom’ ang mga nagtatrabaho lamang ng maayos.”
Kaya naman, agad naging viral ang video na ito ng babae na hindi nagustuhan ng maraming mga netizen. Ani ng mga ito, kahit daw siya ang may-ari ng naturang convenience store ay mali pa rin ang ginawa nitong pambabastos sa staff lalo na’t halata umano na nakainom pa ito.
Gayunpaman, humanga din ang mga ito sa ginawang pagkalma at pakikipagkumbaba ng mga staff ng naturang conveniences store. Ngunit, nais ng mga ito na maipaabot daw sa programa ni Raffy Tulfo ang nasabing video at pagsalitain o panagutin ang naturang babae tungkol sa ginawa nito.
Sa ngayon, ang viral Facebook post na ito ng naturang video ay umani na ng mahigit sa 17,000 na iba’t-ibang reaksyon at shares na umabot na sa mahigit 148,000.
Heto naman ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen tungkol dito:
“Itulog mo nalang dapat ‘pag naka-inom ka. Maayus na nagtatrabaho ‘yung mga tao kung pagsalitaan mo. Kahit ikaw may-ari n’yan, matuto kang sumunod sa patakaran na pinapatupad niyo.”
“Yabang mo naman, ma'am. Kung ikaw may-ari ng 7/11, edi ikaw na. Bastos mo naman! Alak pa more…”
“Everyone deserves respect. Naturingang edukada. Lashing pa!
“Hindi dapat pinapalagpas mga ganyan kaya marami na-aapi eh para aware din sa iba. Salute sa mga empleyado na sumusunod sa trabho nila.”
“Naturingang ikaw nga ang may ari. ‘Kung ikaw nga ba talaga’, dapat ikaw ang numero unong susunod at magpapasunod ng pagsusuot ng face shield at face mask. At para igalang ka, ikaw mismo ang gumalang sa sarili mo. Tingnan mo ang itsura mo.”
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment