Habang papalapit ang pasko, mukhang mas dumarami ang mga nagtetrending na kwento sa social media tungkol sa mga ninong at ninang na bina-block sa Facebook matapos na hindi maibigay ang hinihinging pamasko para sa kanilang mga inaanak.
Ganitong-ganito rin ang nangyari sa guro at DJ na si Harry Engelo Anthony Paala na blocked din sa Facebook matapos na tumanggi itong ibigay ang halaga na hinihingi sa kanya ng kumpare nito bilang pamasko raw sa kanyang inaanak na anak nito.
Sa Facebook, ibinahagi nito ang kanilang naging pag-uusap ng kanyang kumpare kung saan, makikita itong nanghihigi kay Harry ng Php 1,000 bilang pamasko at pambili raw ng gatas ng inaanak nito.
Ngunit, iginiit ni Harry na Php 500 lamang ang kaya niyang ibigay ngayon sa kanyang inaanak. Hindi ito nagustuhan ng tatay ng kanyang inaanak kaya binlock siya nito sa Facebook sabay sabing ayaw niya umano ng ‘negative vibes’ sa pasko.
Noong una, pasimple nitong tinong ang netizen kung magkano ang ibibigay nitong pamasko sa kanyang anak. Sinagot naman ito ni Harry ngunit, ni-request nito na gawing isang libo na lamang ang ibigay na pamasko ni Harry dahil guro naman umano ito at DJ.
Maliban dito, gusto pa ng kumpare ni Harry na siya rin ang sumagot sa pamasahe ng mga ito papunta sa kanilang lugar. Apat daw kasi silang babyahe at umuulan kaya ito na lamang umano ang sumagot sa kanilang gastusin sa pamasahe.
Kinonsensya pa nito si Harry dahil wala na umanong gatas ang inaanak ni Harry sa kanya at sinuyo ito na siya na lamang bumili ng gatas ng inaanak. Dadag pa nito, kung hindi raw sila makakapunta sa lugar ni Harry, baka pwedeng ipadala na lamang umano nito sa remittance center ang pera.
“Magco-commute kami pre, di na makapagmotor at naulan. Dagdag ka naman ng pamasahe pre, gawin mo nang Php 1000 papasko mo kay Layron…
“Pa-Smart Padala o Palawan mo kaya ngayon pre? Wala nang pang-gatas si Layron e. Check mo naman pre malapit ka lang sa bayan… Check mo naman pre. Wala nang panggatas si Layron e. Kawawa naman inaanak mo,” saad pa ng kumpare ni Harry.
Ngunit, ayon kay Harry ay hindi pa umano ito makalabas at makapunta sa bayan at remittance center dahil bumabagyo. Siguradong sarado rin naman umano ang mga padalahan ng pera ngunit, sinigurado nito na bukas ay makapagpapadala siya.
Sa kabila nito, hindi ikinatuwa ng kumpare ni Harry na hindi niya agad maipadala rito ang pamasko sa inaanak. Sinabi niya rito na gumagawa lamang umano ng dahilan si Harry at sana raw ay hindi na lamang ito nagpunta sa binyag ng anak.
Kaya naman, blocked umano sa kanya sa Facebook si Harry ngunit, maghihintay pa rin ito para sa ipapadala nitong pamasko para sa kanyanga anak!
“Dami naman dahilan, pre. Kung ayaw mong magpapasko, dapat di ka nalang umattend ng binyag, pre. Nag-take out ka pa… Teacher ka tas DJ ka tas tikom ang kamay mo. Nabawiin ni Lord ‘yang blessings mo…
“Text mo nalang ako ‘pag napadala mo na ‘yung pamasko mo kay Layron. Block muna kita ayaw ko ng negative vibes sa pasko,” ani pa ng kumpare ni Harry.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment