Thursday, December 17, 2020

Aliens, May Lihim Umanong Alyansa sa mga Bansang USA at Israel

Hindi pa raw handa ang katauhan upang maintindihan ang tungkol sa mga extraterrestrials o aliens kaya inililihim muna ng pamahalaan ng mga bansang Estados Unidos at Israel ang ilang taon na nilang ugnayan sa mga ito.

Ito ang umano’y sekretong inihayag ng dating Space Security Chief ng Israel na si Dr. Haim Eshed, 87, na nagsilbi sa naturang ahensya sa loob ng halos 30 taon, mula 1981 hanggang 2010.

Sa isang eksklusibong expose ni Edhed nito lamang nakaraang linggo, ika-5 ng Disyembre, inihayag nito na nais ng mga alien na manatili muna silang sekreto sa mga tao.

“The aliens have asked not to announce that they are here, humanity is not ready yet. If I had come up with what I’m saying today five years ago, I would have been hospitalized. Wherever I’ve gone with this in academia, they’ve said: the man has lost his mind,” ani pa ni Eshed.

Ayon kay Eshed, ang ugnayan ito ng pamahalaang Estados Unidos at Israel sa mga alien ay tinatawag na ‘Galactic Federation of Aliens’. Sa katunayan, maging si former US President Donald Trump ay alam umano ang tungkol dito.

Napagdesisyunan umano ngayon ni Eshed na ihayag ang tungkol sa kanyang mga nalalaman dahil wala nang mawawala sa kaya matapos ang ilang mga taon ng pagiging isang respetadong indibidwal. 

Hindi isa kundi tatlong beses lang naman nakatanggap ng Israel Security Award si Eshed. Maliban pa ito sa napagtapusan niyang doctorate decree sa aeronautical engineering at masters decree naman para sa performance research.

Maayos na nakamit ni Eshed ang mga parangal na ito sa kanyang karera kaya naman, sa ngayon ay handa na itong ibunyag ang mga nalalaman at wala na siyang kinatatakutan. Ani pa nito,


“Today they’re already talking differently. I have nothing to lose. I’ve received my degrees and awards, I am respected in universities abroad, where the trend is also changing…”

Pagbubunyag ni Eshed, mayroon umanong kasunduan ang mga alien sa pagitan ng naturang mga bansa kung saan, pumapayag ang Estados Unidos at Israel na gumawa rito ng mga eksperimento ang mga alien. Kung tayong mga tao ay naghahanap din ng kasagutan sa maraming mga bagay, ganoon din umano ang mga aliens kaya gusto ng mga ito na makipagtulungan.

“They have been waiting for humanity to evolve and reach a stage where we will generally understand what space and spaceships are. There’s an agreement between the US government and the aliens. They signed a contract with us to do experiments here. 

“They, too, are researching and trying to understand the whole fabric of the universe, and they want us as helpers,” saad pa ulit ni Eshed.

Samantala, muntikan na nga umanong ibunyag ni Trump ang tungkol dito ngunit, mabuti na lamang at napigilan ito ng kanilang pederasyon dahil ayaw ng mga alien na magkagulo ang mga tao.

Maliban dito, inihayag din ni Eshed na sa planetang Mars umano ay mayroong sekretong ‘underground base’ kung saan, nanalagi ang mga representante ng Amerika at mga alien.

Sa kabila ng mga mahirap paniwalaang pahayag na ito ni Eshed, umaasa ito na hindi babalewalain ng publiko ang kanyang mga ibinunyag. 

Source: definitelyfilipino


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment