Monday, December 21, 2020

Pahayag ng Isang Pulis Tungkol sa Pamam4ril ng Kapwa Nito Pulis, Ikinagalit ng Publiko!


Kalat na kalat sa social media ang video footage ng ginawang pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio dahil lamang sa away sa pagpapaputok ng boga at nakaraang alitan sa lupa sa Paniqui, Tarlac.

Ang videong ito ay naging dahilan ng galit ng publiko sa kapulisan lalo na dahil matagal nang usapin ang mga ganitong uri ng pulis na walang habas na pumapatay ng sibilyan dahil lamang sila ay may dalang baril.

Kabi-kabila ngayon ang sigaw ng mga tao na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mag-inang Gregorio. Kung hindi man pagkakakulong, kamatayan din umano ang gustong hatol ng mga ito sa naturang pulis na base sa video ay walang anumang pagdadalawang-isip sa kanyang ginawa.

Ngunit, sa kabila nito ay mayroon pa ring mga indibidwal na salungat ang pananaw mula sa karamihan na agad namang nakatanggap ng pambabatikos at pagkadismaya mula sa publiko. Kabilang na dito ang isa ring umano’y pulis na si Ariel Ruego Buraga.

Sa isang Facebook post, binigyang diin nito na ang nangyari ay isang aral na dapat umanong matutunan ng marami. Kahit daw matatanda ay dapat matutunan na irespeto silang mga kapulisan dahil ‘mahirap kalaban ang pagtitimpi at pagpapasensya’.

“My Father is a Policeeeee Mannnnn ha!!! I don’t care eh eh eh eh eh err!!! P@#¥ng ina mo tapusin na kita ngayon???? Bang Bang Bang Bang…


“Lesson learned. Kahit maputi na ang buhok o ubanin na, tayo eh matutuo tayo rumespeto sa ating mga Kapulisan. Mahirap kalaban ang pagtitimpi at pagpapasensya… RIP Nanay at Totoy,” ani pa nito.

Ang pahayag na ito ni Buraga ay agad namang binatikos ng mga netizen dahil ayon sa mga ito, mukhang inilagay pa umano ng pulis ang sisi sa mga biktima. Kung tutuusin, ang ginawa ng ina ay pagpoprotekta lamang sa anak nito at simpleng pagsagot din sa anak ng suspek na kita ang walang pagrespeto sa mga biktima.

Sa naturang Facebook post ni Buraga, isang netizen ang matapang na nagtanong dito kung ang mag-ina na biktima raw ba ang sinisisi ni Buraga sa nangyaring pagbaril sa mga ito ni Nuezca. Diretsahang sagot naman nito ay, ‘oo’. Kasalanan umano ng mga biktima ang nangyari sa kanila dahil wala silang respeto kay Nuezca.

Agad naman na naging viral ang pahayag na ito sa Facebook post ng naturang pulis. Masyado umanong mataas ang tingin ng mga kapulisang ito sa kanilang mga sarili na kahit ang trabaho sana nila ay protektahan ang publiko, sila pa umano ngayon ang kinakatakutan dahil maaaring malagay sa peligro ang kanilang buhay dahil sa mga ito.


“Sir Ariel Buraga, yung Respeto po kasi ini earn yan, at bilang isa ring pulis dapat alam mong labanan ang pagtitimpi at pagpapasensya. Wag po nating ipasok ang Respetuhan sa Pulis sa dalawang malamig na bangkay na…


“Itigil natin ang paninisi sa mga Namatay. Una muna nating isipin ang maling gawain na pagpatay,” saad pa nga ng isang Facebook page tungkol dito.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment