Naghihinagpis na humarap sa isang panayam ang pamilya ng mag-inang pinatay sa pamamaril sa mga ito ng isang pulis sa Barangay Cabayaoasan sa Paniqui, Tarlac. Hustisya ang sigaw nila para sa mga biktimang sina Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25, na nasaksihan mismo nila kung paano binaril at binawian ng buhay.
Sa isang panayam ng mamamahayag na si Ronjie Daquigan sa isa sa mga apo ni Sonya at sa kumuha ng video ng krimen, isinalaysay ng mga ito ang mga kaganapan bago mangyari ang pagsugod sa kanilang bahay at pamamaril sa kanilang mga kamag-anak.
Pagbabahagi ng mga ito, hindi ito ang unang beses na sumugod sa kanila ang suspek na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca at pinagbantaan sila sa kanilang mga buhay.
“Puro bata po kasi kami nandito ‘nun, kasama po namin sila kuya Anton. Tapos sinugod po siya ng pulis dito tapos ang dami pong salita-salita ‘yun… hinawakan niya na po ‘yung short ni kuya Anton tapos sabi niya, “Aarestuhin kita”....
“Pumunta po ‘yung pulis dito tapos sinapak niya po agad si kuya Anton. Tapos hinawakan niya na po ‘yung short. Sabi niya, “Pulis ako. Aarestuhin kita”...
“Tapos yumakap po sa kanya si lola Sonya… nakikiusap na po kami,” pagsasalayasay pa ng dalawa.
“Ang pinakahuling alitan po nila, ‘yong ano po. Nung una po kasi, ‘yung hinarang kami diyan. Di naman po nila daan diyan pero hinarang kami ng pulis. Tapos sabi niya, “Gusto niyo ilabas ko ‘yung pagkad3monyo ko?”...
“Tapos dumiretso siya dito. Hinahamon niya si kuya ko pati si kuya Bigboy. Sabi niya, “O ano? Matapang na kayo? Kaya niyo nang labanan ako?” Sabi po ‘nung pulis. Iyon po ‘yung unang punta niya dito na trespassing siya. Inulit na naman niya…
“Iyong ulit na ‘yun, iyon na po ‘yung binawian na ng buhay sila mama po,” naghihinagpis na pagbabahagi pa ng pamilya ng mga biktima.
Dagdag pagbabahagi pa ng mga ito, wala umanong ginawang masama ang isa pa nilang kamag-anak nguit, sinabunutan umano ito ng anak ni Nuezca na nakuna din sa kumakalat na video footage ng pangyayari. Samantala, hindi man lamang umano umawat sa mga ito ang asawa ng suspek.
Kaya naman, hustisya ngayon ang sigaw ng mga ito sa pagkamatay ng dalawang biktima. Nais nila na mabulok sa kulungan ang mga ito at mabigyang hustisya ang ginawang krimen ng pulis sa mag-ina.
Sa naturang panayam ay hindi maikakaila ang malaking epekto o truma na naidulot ng insidente sa mga kamag-anak ng mag-inang Gregorio na pinaslang mismo sa kanilang harapan. Kaya naman, base sa mga pahayag ng naghihinagpis na pamilya, malinaw umano na damay din sa insidente ang pamilya ng suspek na si Nuezca.
Saad pa nga tungkol dito ng ilang mga netizen,
“Trespassing buong pamilya at murder sa mag-ina… Sana ‘wag matulog ang justice sa kanila.”
“Tumulo luha ko habang nagsasalita ‘yung anak. Sana makamit niyo ang hustisya at mangyari ang gusto niyo na makulong silang lahat.”
“Pag di napatawan ng d3ath penalty ‘yan, nakakahiya nang maging Pinoy lalo na at pulis pa mismo ang aktong namaril.”
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment