Thursday, December 17, 2020

Php100k na Halaga ng Parol, Tinakbuhan ng Isang Buyer; Tatay na Gumawa Nito, Di Napigilang Maiyak

Viral ngayon sa social media ang isang tatay at tindero na di napigilang maiyak matapos na hindi ituloy ng isang buyer ang pagkuha nito ng Php 100,000 na halaga ng parol na kanyang gawa. 

Di napigilan ng naturang tatay na manlumo at maging emosyonal dahil tinakbuhan siya ng dapat sana ay buyer ng nasabing mga parol. Kaya naman, ang resulta nito ay mababaon na naman daw sa utang si tatay.

“Di na kukunin ‘yan ng buyer, sayang 100k lahat ng bayad d’yan. Paano na ako, baon na naman ako sa utang… Diko mapigilan umiyak,” ang ani pa nga ng nasabing tindero.

Kaya naman, maraming mga netizen ang naantig at naawa sa sitwasyong ito ni tatay. Galit ang mga ito sa tinutukoy na buyer ng tindero na tinakbuhan siya at iniwan kay tatay ang daang libong halaga ng parol.

Nanggagalaiti ang mga ito kung paanong nagawa umano ng naturang buyer ni tatay na takbuhan ito sa kabila ng laki ng halaga at dami ng ipinagawa nitong parol. Nagawa na halos lahat ni tatay ang mga parol kaya namomroblema ito ngayon kung paano mababawi ang puhunan o maibenta man lang ang mga ito.

Isang netizen din ang nagbahagi ng kwento at sitwasyong ito ni tatay sa social media upang magbakasakali na mayroong tumulong kay tatay. Nakakuha rin ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa umiiyak na tindero.

Ayon sa netizen na si Whendel Cruz Ramos, ang tatay na tinakbuhan ng buyer sa nagviral na Facebook post ay nasa Central Market, Sta. Cruz, Manila. Hindi lamang si tatay ang gumagawa doon ng parol ngunit, ito umano ang may pinakamaraming gawa sa mga ito.

Samantala, sa mga gustong tumulong, ang presyo ng mga gawang parol ni tatay ay nasa Php70 ang bawat piraso. Walang ilaw ang mga ito habang pula at puti naman ang mga kulay ng parol na mapagpipilian.

“Nakakuha na po tayo ng konting impormasyon patungkol sa mga parol na hindi nabayaran. Ang lokasyon po nila ay sa Central Market Sta Cruz Manila madami daw po silang trabahador dyan at junior lakay ang tawag sa lalakeng umiiyak matapos matakbuhan ng buyers siya kasi yung may pinakamadaming na gawang Christmas Parols.

“Presyo ng mga Christmas Parols 70pesos isa white and red ang mga kulay walang ilaw,” pagbabahagi pa ni Ramos.

Tungkol naman sa viral Facebook post ni tatay, umabot na sa daan-daang libo ang naaani nitong reacts at mga shares. Naibahagi pa nga nito sa isang video kung gaano karami ang naturang mga parol na halos lahat umano ng pasilyo sa kanilang lugar ay nasabitan na nito ng mga parol.

Upang matulungan si tatay, panay naman ang pag-tag ng mga netizen sa mga programang kilala sa pagtulong ng mga ito sa mga nangangailangan gaya ng ‘Raffy Tulfo ni Action’, ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’, at maging sa ilang mga vlogger na kilala din sa pagtulong.

Sa mga gustong magpaabot ng tulong para kay tatay, tingnan lamang ang Facebook post ng netizen na si Ramos kung paano makakapag-abot ng tulong kay tatay na tindero ng parol.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment