Isang ‘self-proclaimed’ vlogger sa Cebu ang arestado dahil sa alegasyon ng pambubugaw nito sa isang menor de edad.
Nito lamang ika-11 ng Disyembre, sa isang entrapment operation ay inaresto ng mga pulis mula sa Women and Children’s Protection Desk ng Cebu City ang isang 30 taong gulang na umano’y vlogger matapos itong ireklamo ng pambubugaw ng isang 17 taong gulang na lalaki.
Ayon sa ulat, naghain ng reklamo laban dito ang suspek matapos nitong malaman mula sa mga kakilala na ilang maseselang video nito ang ibinahagi online ng suspek at pinagkakakitaan. Magkakilala umano ang suspek at ang biktima na isang BPO worker na nakatira sa Lapu-lapu City.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Stephen Daan, hepe ng Cebu City Police Office’s Investigation and Detective Management Branch (CCPO-IDMB), sasampahan ito ng kasong paglabag sa Expanded Trafficking in Person Act.
“The victim immediately filed a report to the police which led us to conduct the entrapment operation in Barangay Lahug where the suspect was staying…
“He will be formally charged this Monday (December 14) for violating our anti-trafficking laws and possibly, sexually exploiting minors considering that he used the videos to earn money,” ani pa nito.
Hindi umano alam ng biktima na kinukunan siya ng video ng suspek at mas lalong hindi rin nito alam na ipinapakalat nito sa internet ang naturang video at pinagkakakitaan. Ipinaalam lamang sa kanya ng mga kakilala nito na nakita nila online at sa ilang mga p*rnographic website ang kanyang maselang video. Pagbabahagi pa nga ni Daan tungkol dito,
“He told us he was not aware he was being recorded nor that these were circulating online until some of his friends alerted him about this, and informed him that the suspect was reportedly earning money from these videos.”
Nahuli ang suspek sa Lahug, Cebu City kung saan ito nakatira. Upang mahuli ang suspek, isang pulis ang nagpanggap na kliyente at interesadong bumili ng kopya ng kumakalat na video ng biktima. Maliban dito, nag-request pa umano ng ‘extra service’ ang pulis na sinang-ayunan din umano ng suspek.
Matapos mahuli, nakuha mula sa suspek ang isang smartphone, ID, passport, at marked money na Php 2,200. Maliban sa paglabag sa anti-trafficing law, naiulat na sinubukan din umanong kumbinsihin ang suspek na gumawa ng mga malalaswang video online.
Iniimbestigahan na ngayon ng kapulisan ang kaso ng suspek at kung mayroon pa itong ibang menor de edad na nabiktima rin. Samantala, para sa proteksyon ng biktima ay hindi inihayag o inilabas sa publiko ang pagkakakilanlan nito maging ng suspek.
Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang suspek tungkol sa mga alegasyon dito at sa mga isasampa ritong kaso. Sa ngayon, ang suspek na menor de edad ay nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development.
“We’re still conducting further investigation to determine if the suspect has also victimized others,” dagdag ani pa ni Daan.
Hinihikayat naman ng kapulisan na magsumbong sa pulisya o sa mga kinauukulan ang mga biktima rin ng parehong gawain.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment