Ang aktres na si Aiko Melendez ang pinakabagong naging guest ng komedyanteng si Ogie Diaz sa vlog nito kung saan, sumbak silang dalawa pareho isa iba’t-ibang tanungan.
Isa sa mga tanong na ito ibinato ni Ogie sa aktres ay tungkol sa dating karelasyon ni Aiko na si Jomari Yllana. Si Jomari ang ama ng panganay na anak ni Aiko na si Andrei Yllana. Dito ay tinanong ni Ogie si Aiko kung mayroon ba raw itong galit kay Jomari.
“Galit ka ba kay Jomari Yllana? Sa tatay ng iyong panganay na anak na inaanak ko…,” tanong pa ng komedyante kay Aiko.
Noong una, isang diretsahang ‘hindi’ ang naging sagot dito ni Aiko na napatunayan namang totoo base sa kanilang lie detector machine. Ngunit, mayroong paliwanag dito ang aktres. Natatawa pang ani ni Aiko kay Ogie,
“Hindi ako galit sa kanya. Bwisit ako sa kanya!”
Paliwanag dito ni Aiko, hindi naman umano tungkol sa kanya ang nararamdaman niyang ito para sa aktor kundi para sa kanilang anak na si Andrei.
“Hindi naman ako galit sa kanya… Iyong minsan lang parang, ‘hay nako’, parang nakakapag-ganun lang. ‘Eto na naman’. Pero hayaan mo na…
“Eh kasi minsan, may sinasabi siya na hindi nangyayari. May pangako kay Andrei na hindi nangyayari,” ani pa nga ni Aiko.
Ngunit, dagdag ani ng aktres, bumabawi na umano ngayon ang aktor sa anak nito lalo na nitong pasko kung saan, medyo naging madalas ang pagkikita ng mag-ama. Pagbabahagi pa nga tungkol dito ng aktres,
“‘Yung sama ng loob ko or kabwisetan ko is more for my son. Pero, as I’ve said nga, bumabawi naman siya. Sana lang, consistent siya ngayon…
“Nagkita sila madalas ‘nung Christmas… mga three times. Kasi dati, wala talaga diba. So ngayon, medyo may improvement.”
Samantala, kamakailan lang din ay naging kontrobersyal si Jomari dahil sa naging panawagan dito ng dati niya ring partner na si Joy Reyes kung saan, mayroon ding mga anak ang aktor.
Sa isang viral na ngayong social media post, isinaad ni Joy ang hindi umano maayos na pagganap ni Jomari sa responsibilidad nito sa mga anak gaya na lamang ng hindi raw nito pagbabayad sa kanilang bayarin sa kuryente kaya naputulan ngayon ang mga ito.
Dagdag ani pa rito ni Joy, dahil daw dito kaya nagtitiis ngayon ang kanilang mga anak sa pawis at dilim matapos nilang maputulan ng kuryente. Base sa kanyang ibinahaging post, umabot na sa Php 100,238.38 ang umano’y bayarin nito sa kuryente.
Hindi na rin nakatiis si Jomari sa mga panawagang ito sa kanya ng dating partner kaya nagsalita na ito tungkol sa isyu. Ayon sa aktor, ito umano ang nagbabayad sa lahat ng mga bayarin katulad ng kuryente mula pa noon kaya noong una, hindi raw ito makapaniwala na ganoon kalaki ang bayarin ng mga ito sa kuryente ngayon.
Ngunit, pakiusap ng aktor at ngayon ay politiko, huwag naman daw sana siyang siraan ni Joy dahil pinakisamahan at tinanggap naman umano ito noon ng kanyang pamilya. Mensahe niya pa nga rito nang mapanayam siya ng pep.ph,
“Ni isang beses, hindi siya nakarinig ng hindi maganda tungkol sa sarili niya, wala siyang naririnig na hindi maganda… Dati, buong pamilya ko, tinanggap siya nang buong-buo. Pinakisamahan siya. And my family loved her, for what’s it’s worth, yung panahon na maayos pa kami.
“Pero, utang na loob, wala namang siraan.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment