Ilang taon din na itinago ng magpartner na sina Mikey Bustos, sikat na YouTuber at celebrity vlogger, at RJ Garcia, isang entrepreneur, ang kanilang relasyon sa publiko sa takot na mahusgahan at makadanas ng diskrimasyon.
Ngunit, sa tuluyan nilang pag-amin sa kanilang pamilya at sa publiko ng kanilang walong taong relasyon, napagtanto ng dalawa na ang kanilang pag-iibigan ay hindi isang sekreto na kanilang dapat katakutan at patuloy na itago dahil tunay na pag-ibig ang kanilang nararamdaman para sa isa’t-isa.
“Finally, our relationship is no longer a dirty little secret,” ani pa ni Mikey.
Taong 2012 nang unang magkakilala ang dalawa na noon ay magkapitbahay sa isang hotel sa Mandaluyong. Pagbabahagi pa ni RJ sa kanilang kwento,
“Mikey and I met on Dec. 21, 2012, the day that many thought, according to rumor, was the end of the world…”
“He was my neighbor. I found him kind of cute. I initiated our first meeting. ‘Do you drink beer?’ I asked RJ. The next thing we knew, we were at the little restaurant down the hotel having beer. In my mind, if it was really the end of the world, I might as well go down with a cute guy,” pagkukwento naman dito ni Mikey.
At mula doon ay nabuo ang kanilang relasyon na masasabi ng dalawa na love at first sight sa isa’t-isa. Ngunit, hindi naging madali para kina Mikey at RJ ang relasyon nilang ito dahil kailangan nila itong itago sa publiko at sa kanilang mga pamilya.
Dahil sa laganap na diskriminsasyon para sa mga katulad nila ay nandoon ang takot nina Mikey na madiskubrehan ng publiko ang kanilang relasyon. Nang mga panahong iyon, si Mikey rin ay tinatamasa na ang mala-celebrity na buhay kaya mas naging maingat pa ito sa mga sasabihin sa kanya ng publiko.
“For so many years, we couldn’t afford to have a decent photo together in public, in the places we visited for fear that people would discover our relationship,” saad pa nga tungkol dito ni RJ.
Ngunit, taong 2019 noong naganap ang isang hiwalayan ng dalawa kung saan, nabigyan nila ng realisasyon ang ilang mga bagay sa kanilang relasyon. Noong Abril nang naturang taon, si RJ ay nagpunta sa Bali at si Mikey naman ay nagpunta sa Baguio at doon ay marami ang mga bagay na nabigyang linaw ng dalawa.
Matapos nito, nagdesisyon sina Mikey at RJ na ang kanilang relasyon ay hindi na dapat itago pa sa publiko. Handa na silang wakasan ang maraming taon na pagtatago nila sa kanilang relasyon at ihayag ito unang-una sa kanilang mga pamilya.
Bagam’t noong una ay hindi agad-agad natanggap ng kanilang mga pamilya ang tungkol sa kanilang relasyon, hindi naman matagal ang inintay ng dalawa at sa wakas ay natanggap at sinuportahan na rin ng mga ito ang pagmamahalan nina Mikey at RJ.
“When I had shows abroad, we would always ask for two beds. Or we requested for two rooms because we were conscious about the opinions of other people. Now we are free…
“I cook for him. I feed him. I’m always there for him. I love him,” ani pa rito ni Mikey.
Source: philstarlife
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment