Hindi nga maikakaila na iba kung magmahal ang mga alagang aso at kung gaano ito katapat sa kanilang mga amo. Ilang beses na nila itong ipinamalas at pinatunayan kaya hindi na nakapagtataka kung bakit nakakayanan ng mga ito na maghintay sa kanilang mga mahal na amo kahit ilang araw o taon pa ang lumipas.
Gaya na lamang ng ipinamalas na pagmamahal at katapatan na ito ng isang aso sa bansang Turkey kung saan, hinintay lang naman nito ng ilang araw na makalabas sa ospital ng kanyang amo na isinugod dito.
Sa Turkey, ika-14 ng Enero nang dalhin ng isang ambulansya sa isang hospital sa Black Sea City ng Trabzon, Turkey si Semal Senturk upang magamot matapos nitong magkasakit. Sumunod naman umano sa naturang ambulansya ang alaga nitong aso na si Boncuk, o Bon-DJUK kung bigkasin sa kanilang lugar.
Mula nang araw na iyon ay regular na umanong binibisita araw-araw ni Boncuk ang kanyang amo sa ospital. Nag-aantay lamang umano ito sa labas ng ospital at sumisilip sa loob habang hinihintay ang amo.
Sa katunayan, nasanay na nga umano sa aso ang guard ng naturang ospital na si Muhammet Akdeniz. Pagbabahagi pa nito,
“She comes every day around 9 a.m. and waits until nightfall. She doesn’t go in… When the door opens she pokes her head inside.”
Samantala, ayon sa anak ni Senturk na si Aynur Egeli, isinasama niya naman umano pauwi ang alagang aso ng kanyang ama ngunit, palagi lamang umano itong tumatakas at tumatakbo pabalik sa ospital. Dito ay buong araw na matiyagang naghihintay si Boncuk para sa kanyang amo na inabot pa ng ilang mga araw.
Minsan naman, upang kahit papaano ay makasama at makita ang alaga ay bumibisita kay Boncuk sa labas ng ospital ang amo nitong si Senturk kahit na nakasakay at itinutulak ito sa wheelchair. Kahit paano ay naiibsan umano ang pagkamiss ng mga ito sa isa’t-isa lalo na ng aso.
“She’s very used to me. And I miss her, too, constantly,” ani pa ng ni Senturk tungkol sa kanyang alagang aso.
Mabuti na lamang at makalipas ang limang araw ay nakalabas na sa naturang ospital si Senturk. Laking tuwa naman dito ni Boncuk dahil magkasama na silang uuwi ng pinakahinihintay niyang amo.
Agad naman na naging trending ang tungkol sa kwentong ito nina Senturk at ng kanyang matapat at mapagmahal na alagang si Boncuk. Maraming mga netizen galing sa iba’t-ibang mga bansa ang naantig sa kwentong ito ng dalawa lalong lalo na ang matiyagang paghihintay ni Boncuk sa kanyang mahal na tagapag-alaga.
“Unconditional love and loyalty. They are both blessed,” ang ani pa nga tungkol dito ng isang netizen na naantig sa kanilang kwento.
Saad naman ng ilan pang mga netizen, napakaswerte umano ni Senturk dahil nagkaroon umano ito ng isang alaga na mahal siya at nakapatapat sa kanya. Swerte rin umano si Boncuk sa amo nito na marahil ay lubos ang pag-aalaga sa kanya kaya mahal na mahal niya ito. Swerte ang mga ito sa isa’t-isa at sana raw ay marami ring iba ang makatagpo ng alaga na kasing tapat at mapagmahal ng asong si Boncuk.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment