Tuesday, January 19, 2021

Lalaki sa Japan, Nagulat Nang Makita ang Larawan ng Pumanaw na Ama sa Google Earth


Hindi inasahan ng lalaking ito sa Japan ang kanyang makikita nang minsang hanapin nito sa Google Earth ang larawan ng kanilang bahay kung saan ito tumira kasama ang kanyang mga magulang.

Sa Twitter, ibinahagi ng user nito na si @TeacherUFO ang kanyang natuklasan. 

“I have nothing to do during corona, so when I went to see my parents' house on Google Earth...,” panimulang saad pa nito.

Sa larawan na kuha sa kalye sa labas ng kanilang bahay, nakita nito ang kanyang amang namayapa na pitong taon na ang nakakaraan. Nakatayo ito sa harapan ng kanilang bahay at animo’y mayroong hinihintay. Sa unahang bahagi naman ng kalye ay makikita ang kanyang ina.

“I saw my father who has passed away seven years ago. 

“There was a person ahead of him, so when I went to see it, it was my mother. My father must have been waiting for my mother to return home,” saad pa nito.

Ibinahagi niya pa ang mga larawang ito sa kanyang ibinahaging Twitter post. Pakiusap naman nito ngayon sa Google Earth, sana raw ay huwag nitong burahin ang naturang mga larawan o i-update ang larawan nila ng naturang lugar.

“My father was a quiet but kind man. I hope that Google Earth doesn’t update the photo for this place,” dagdag ani pa nito.


Agad naman na naging viral ang nasabing Twitter post at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen. Kagaya ni @TeacherUFO ay hindi rin napigilan ng iba na maging emosyonal sa nakakagulat nitong nadiskubrehan.

Samantala, dahil naman sa Twitter post na ito kaya marami rin ang sinubukan na hanapin ang larawan ng iba’t-ibang mga lugar gaya na lamang ng kanilang mga bahay sa Google earth. At kagaya nga ng natuklasan ni @TeacherUFO, ilan pang nakakaantig na larawan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay ang natuklasan ng maraming mga netizen.

Ayon sa isang netizen, nang i-check niya rin sa Google Earth ang kanilang bahay, nakita nito ang kanyang lola na namayapa siyam na taon na ang nakakaraan. Kaya naman, napaiyak na lamang ang netizen nang ipakita  sa nanay nito ang larawan.

“When I saw your tweet I went on Google Earth and found my grandmother working in the field. She passed away last year. I’m grateful to be able to see my grandmother in this form,” saad naman ng isa pang netizen.

Isa pang netizen ulit ang emosyonal na nakita sa Google Earth ang kanyang namaayapang alagang aso. Ani nito, “I also saw my dog who has passed away due to old age while I was searching for my home on Google Earth last year. I was happy when I saw him. I also hope this photo doesn’t change.”


Ang Google Earth ay isang computer program na nagbibigay ng ‘3D  representation’ ng Earth gamit ang mga satellite images. Ayon sa ilan, tuwing tatlong taon ay ina-update ng Google Earth ang mga larawang ito ngunit, hindi ang buong mapa. Ito marahil ang dahilan kaya ang ilan sa mga larawang makikita rito ay luma na at hindi pa rin napapalitan.

Source: INQUIRER


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment